Kailangan pala ng pera ni Col. Erwin Robles na pang-schooling,ayon kay Tikboy
April 2, 2004 | 12:00am
HINDI lang pala ang Intelligence Group (IG) ng Philippine National Police (PNP) ang kinokolektang lingguhang intelihensiya ni Tikboy Garcia kundi maging ang isang unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame. Sinabi ng nakausap nating pulis na dating naka-assign sa DILG na si Tikboy din pala ang gamit ng Task Force Scorpion ng CIDG sa mga probinsiya. Ang hepe ng naturang unit ng CIDG ay si Sr. Supt. Pat Hernandez, ang man Friday at inaanak ni CIDG commander Chief Supt. Arturo Lomibao. Ayon sa dating taga-DILG, napakinabangan din ni Tikboy Garcia ang pagsisiksik niya kay reelectionist Sen. Robert Barbers dahil siya na sa ngayon ang pinagkatiwalaang tong kolektor ng mga opisyales ng PNP na nabola niya. Pero ang bansag daw nila kay Tikboy Garcia ay "fireman" o Boy Sunog, he-he-he! Bakit kaya?
At dahil siya rin ang gamit ng Task Force Scorpion, aba lumawak lalo ang kaharian ni Tikboy Garcia. Siyempre kung hindi siya kayang suwetuhin ni Supt. Erwin Robles, ang handler niya sa IG, tiyak kukunsintihin din siya ni Hernandez, di ba mga suki? Kaya hindi lang sa Metro Manila nagnanakaw ng video karera ang grupo ni Tikboy Garcia kundi maging sa probinsiya rin para maibenta nila kay Buboy Go ng Maynila. Si Go ay dating empleyado lang ng kapatid niyang si Inspector Benny Go. Subalit nang magsimula siyang mamili ng mga nakaw na makina kay Tikboy ay kumalas siya at nagsarili. Pero sa sobrang dami ng makina na nakulimbat ng grupo ni Tikboy, eh biglang lumaki rin si Buboy Go at pati mga malalayong probinsiya ay pinasok na rin niya. Totoo ba na gumamit ng dummy si Buboy Go para makapagbukas na muli siya diyan sa siyudad ni Mayor Rey Malonzo ng Caloocan City? He-he-he! Maraming pulis ang gustong magsalita sa kabuktutang ginagawa ni Tikboy Garcia.
Kahit binubulgar na natin ang ilegal ni Tikboy Garcia eh patuloy pa rin ang tong collection niya at ang grupo niyang sina SPO2 William Tiamzon, Nanding Timbang at Abe David. Ayon kay Tikboy, hindi naman daw nila sila pinahinto sa pagkolekta ni Col. Robles dahil kailangan nito ng datung para sa schooling sa abroad. Kaya kung patuloy na nag-iikot sa Metro Manila ang mga "buwaya" ni Robles, aba, huwag ako ang sisihin nyo mga suki, kundi si PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. no? Kasi hindi pa tinatapon ni Ebdane si Robles sa probinsiya sa Mindanao kung saan direkta siyang makisalamuha sa mga MILF at teroristang Abu Sayyaf. Magtrabaho ka naman at huwag panay bulsa mo ang iniisip mo Col. Robles Sir, he-he-he!
Ano pa ba ang bago sa hanay ng kapulisan natin, eh di wala, di ba mga suki? Si Tikboy naman ay hindi na umuuwi sa Tondo. Maaaring doon siya nagpapalipas ng oras sa milyon niyang bahay sa Panamitan, Kawit, Cavite o sa Bulacan. Pero ang maipapangako ko sa inyo mga suki, hindi natin tatantanan si Tikboy Garcia hanggang magsawa itong sina Robles at Hernandez sa kanya. May karugtong!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended