^

PSN Opinyon

Balitang saltik ng "24-ORAS" sa 'BITAG'!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
BUKAS mapapanood sa "BITAG" alas-7:00 ng gabi sa IBC 13. Ipalalabas namin ang "video" na aming pinanghahawakan hinggil sa balita na lumabas sa "TV Patrol" ng ABS CBN at "24-Oras" ng GMA-7.

Pinalilitaw sa balita ng "24-Oras", nakipag-away at nambastos daw ako sa mga tanod. Panoorin n’yo na lamang sa "BITAG" na kasabay ng "IMBESTIGADOR" ng GMA-7, ang tunay na pangyayari sa likod ng kontrobersiya.

Ganito kami sa "BITAG" kung magtrabaho walang sinusunod na oras. ‘Yung mga tanod ng Brgy. Commonwealth na mga inirereklamo ng pambubugbog, dahil mga panggabi kayo, gabi rin namin kayo iimbestigahan sa balwarte ninyo mismo!

Sa balita ng "24-Oras" ng GMA, para bang napadpad lang ako sa nasabing barangay para makipag-away? Sa bagay, hindi kasi kaya ng kanilang "IMBESTIGADOR" ang ginagawa ng "BITAG." Kulang sa amin ang "24-Oras", kung trabaho ang pag-uusapan.

Kaya’t sige, "saltikin" n’yo pa ang "BITAG." Hindi tulad ng balitang lumabas sa "TV Patrol" ng ABS-CBN, patas.

‘Yung inyong napanood na nagpuputak na kagawad ng barangay, siya si VIR ALDAY, makikita n’yo bukas ang butil-butil na pawis sa kanyang noo at halos maihi sa kanyang karsonsilyo habang kaharap ako habang kaharap ko nu’ng gabing ‘yun.

Sunud-sunod ang aking tanong sa kanya. Dahil hindi pa man siya nagsisimulang mag-iimbestiga, dakdak nang dakdak na, kaya nabisto ng "BITAG." Nagmukhang gago tuloy itong putakerong si Alday.

Kung kaya’t ipalalabas din namin ang kontrobersiyal na video. Ang dahilan sa likod ng kontrobersiya, si Barangay Chairman Jose Gaviola, nagwala dahil naka-inom!
* * *
Panoorin din bukas kung papaano nahulog sa "BITAG" ang aktuwal na pagnanakaw ng mga bigas na dapat ay para sa mahihirap, hulog sa aming "BITAG".
* * *
Para sa inyong mga reaksiyon, sumbong at reklamo type BITAG <space>COMPLAINTS <space>(message) at i-send sa 2333 (Globe/TouchMobile) O 334 (Smart/TalknText). O di naman kaya sa aming hotline # (0918) 9346417 o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-89-19.

Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 A.M. At panoorin ang programang "BITAG" tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. sa IBC-13.

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN JOSE GAVIOLA

BITAG

BRGY

DAHIL

GANITO

IPALALABAS

PANOORIN

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with