EDITORYAL - Nasaan na naman ang mga pulis
April 2, 2004 | 12:00am
KAMAKAILAN, sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ang kriminalidad sa Metro Manila. Pero kinabukasan, namutiktik sa balita na may bankong hinoldap, may mga pasaherong hinoldap sa FX at dyipni at may mga nangyaring patayan sa maraming lugar sa Metro Manila. Paano bumaba ang kriminalidad? Mahirap paniwalaan ang sinabi ng NCRPO kaya marami ang nagtaas kilay. Ang katotohanan ay hindi maikakaila ng mga krimeng nagaganap sa kaliwanagan ng araw.
Isa sa mga karaniwang reklamo kung bakit may mga nagaganap na krimen ay dahil sa kawalan ng mga pulis na nagpapatrulya lalo sa mga matataong lugar. Nagkakaroon lamang ng mga pulis kapag may nangyari nang insidente, halimbaway pambobomba at marami na ang namatay o napinsala. Pero pagkalipas ng insidente, wala na naman ang mga pulis, ang police visibility na dapat na maging bahagi na ng araw-araw na gawain bilang paglilingkod sa mamamayan ay nawala na naman. Nag-ningas-kugon na naman. Balik sa dating kaugalian.
Malakas ang loob ng mga masasamang-loob na gumawa ng mga karumal-dumal na gawain sapagkat alam nilang walang pulis na nagpapatrulya. Madali silang makatatakas kapag naisagawa na ang krimen. Iglap lang at tapos ang krimen kahit na sa kasikatan ng araw. At kung madaling naisasakatuparan ng mga masasamang-loob ang kanilang masamang gawain sa kaliwanagan ng araw, ano pa kung gawin nila ito sa gabi. Sa gabi lalo na ay walang nagpapatrulyang pulis. O kung meron mang nagpapatrulya, hindi ang pagproteksiyon ang ginagawa kundi para sa sarili nilang kapakanan.
Kung may nagpapatrulyang pulis sa Gen. Luna Street, Ermita, Manila noong Lunes ng gabi, dakong alas-onse, hindi siguro naholdap at napatay ang 19-year old na si Diana Rose Dawang, isang working student. Sinaksak at napatay si Diana ng isang holdaper nang hindi nito ibigay ang kanyang bag. Nagtatrabaho sa Kentucky Fried Chicken si Diana at pangarap na maging successful nurse balang araw. Ang pangarap palang iyon ay lalagutin lamang ng isang holdaper sa loob ng ilang minuto. Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Diana. Nasaan ang mga pulis ng oras na iyon?
Ilang buwan na ang nakararaan, isang UP coed naman ang napatay nang holdapin ang bus na sinasakyan habang nasa Ramon Magsaysay Ave. Sta. Mesa, Manila. Binaril sa mukha ang coed nang ayaw ibigay ang bag. Umaga naganap ang panghoholdap. Nasaan ang mga pulis ng oras na iyon?
Kamakailan sinabi ng PNP na magpapakalat ng mga sekreta sa mga pampasaherong bus at dyipni. Nasaan na ang kautusang iyon? Nasaan ang mga pulis sa oras na kailangan ang kanilang tulong?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am