^

PSN Opinyon

Airport brownout

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NABAHALA ang mga empleyado at mga pasahero sa NAIA Terminal 2 nang makarinig sila ng malakas na pagsabog. May mga natakot na pasahero at halos mag-panic dahil sa pag-aakalang pinasok ng mga terorista ang NAIA. Matindi kasi ang takot ng mga tao ngayon kasi marami ang namamatay sanhi ng mga pagbobombang ginagawa ng mga terorista sa ibang bansa.

Naayos naman ang pangamba ng mga pasahero at mga empleyado sa NAIA nang ihayag ng mga bossing ng MIAA na power overload lang pala ang naging dahilan ng brownout. Pero sangdamakmak ang naunsiyami at mga nagngingitngit na mga pasahero kasi nabalam ang pag-alis ng PAL na may biyaheng Tacloban, Cebu, Naga City, Zamboanga at Legaspi City, dahil hindi maisakay sa eroplano ang kanilang mga bagahe kasi walang kuryente ang mga baggage conveyor. Usad-pagong ang pagpasok ng tao sa airport kasi subject lahat ang mga pasahero dito sa manual inspection kabilang ang kanilang mga baggages.

Dahil sa brownout kaya walang x-ray machines. Base sa bulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsimula ang brownout dakong 2:15 ng madaling-araw ng Martes nang pumutok ang switch gear sa Substation 3 ng Terminal 2. Bahagyang nagkaroon ng kuryente dakong 6:00 ng umaga kahapon mula sa reserve power generator ng MIAA subalit hindi sapat ang supply ng kuryente kaya hindi umaandar ang baggage conveyor.

Hindi pa normal ang operasyon sa Terminal 2 kasi hindi pa normal ang daloy ng kuryente kaya limitado pa rin ang power supply. Manu-mano ang kapaan pagdating

sa security checks. Tanging ang eroplanong patungong Cebu ang nakaalis dakong 11:20, samantalang nananatiling nakahimpil pa ang iba dahil hindi pa naikakarga ang mga bagahe. Hindi pa matiyak ng MIAA kung anong oras maibabalik ang normal na supply ng kuryente.

Ayon kay Atty. Oscar Paras, officer-in-charge ng MIAA, walang sabotaheng naganap sa brownout. Pinakilos din ang lahat ng miyembro ng PNP-ASG at APD upang i-secure ang airport para sa kapakanan ng mga pasahero.

"Akala ko napasok ng mga terorista ang airport," anang kuwagong basurero.

"Hindi nila kaya ang security sa airport mahihirapan sila rito," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Bulok na kasi ang airport natin kaya maraming palpak na kagamitan."

"Palagay ko ginigising lang ang lahat para lumipat na ang operasyon sa Terminal 3," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Dapat lang kasi."

"Bakit ayaw pa bang kumilos ang mga kamote?"

"Pagkatapos ng eleksyon malamang sa Terminal 3 tayong lahat magkikita-kita."

"Sana magdilang anghel ka, kamote."

AYON

BAHAGYANG

CEBU

KASI

LEGASPI CITY

NAGA CITY

OSCAR PARAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with