Ang dalawang isyung nagtulak kay Ka Noli para ibuka ang kanyang bibig ay itong pagsangkot sa kanya ni Raffy Engle sa P2 milyon extortion at ang bilyon na Maynilad deal ng gobyerno sa mga Lopezes. Sumagot si Ka Noli sa mga nabanggit na isyu pero malaki ang paniwala ng sambayanan na gasgas na ang depensa niya na demolition job lang laban sa kanya ang mga ito. Kung sabagay, paano kakagatin ng publiko itong blanket denial ni Ka Noli eh itong si Engle ay nakulong nang mahigit pitong taon dahil sa expose sa Magandang Gabi Bayan? Ayon kay Engle, lumantad lang siya para ipaalam sa publiko ang pangongotong sa kanya ni De Castro at bahala na silang maghusga kung karapat-dapat itong iboto sa May elections. Ang P2 milyon ay gagamitin daw na panggastos sa paghanap ng asawa ni Engle na si Daisy na hanggang sa ngayon ay hindi pa lumulutang, he-he-he! Bahala na kayo mga suki na maghusga sa kanila.
Mukhang tama ang puna ni Legarda na abot-langit ang lansa ng midnight deal na ito ng gobyerno at ng Maynilad. Hindi naman kasi maganda na ang Maynilad ang may utang eh ang sambayanan ang magbabayad, ani Legarda. Kung kadyot marinong negatibong puna ang inabot ng Maynilad dito kay Legarda, na tulad ni Ka Noli ay dating mainstay din ng ABS-CBN, eh iwas pusoy naman si De Castro. Ayon kay De Castro, pag-aralan pa raw niya ang kanyang posisyon sa isyu. Ano ba yan? Mukhang lumilitaw na malaki talaga ang utang na loob ni De Castro sa mga Lopezes, di ba mga suki? Sa kanyang pagharap naman sa TV, sinabi ni De Castro na ang nasa likod ng paglutang ni Torralba sa publiko ay ang public relations officer o PRO ng kalaban niya sa pulitiko. Dahil sa tinuran ni Ka Noli, sa tingin ko magiging masaya ang kampanya sa darating na mga araw dahil tiyak gaganti ang kampo ni De Castro. At marami pang baho umano ni Noli ang nakalinyang ibulgar ng mga kalaban niya at nasa tamang landas siya sa pagbuka niya ng kanyang bibig para makapagpaliwanag ng kanyang panig. Maaring kumita ng P750 milyon si De Castro sa pagpa- sok niya sa pulitika pero nakalkal naman ang buong buhay niya, di ba mga suki? Hay pulitika, tingnan ang ginawa mo kay De Castro?