Masyado nang nakapokus sa pagsira sa kalaban ang nangyayari ngayon at hindi na nabibigyang-pansin ng kandidato ang kanyang plataporma o mga plano. Mas napag-iisipan kung paano wawasakin ang kalaban kaysa maglahad ng mga plano sa sambayanan. Gumagastos nang todo para masiguro na matatalo ang kalaban. Ganyan ang nangyayari ngayon, napakarumi nang ginagawang kampanya.
At malaki ang bahagi ng media sa nangyayaring ito. Dahil sa media kaya nalalaman ng taumbayan ang nangyayari o nagaganap sa kampanya ng mga kandidato. Hindi na nagiging balanse ang media sa paghahatid ng impormasyon. Ngayoy nagkalat ang mga bayarang taga-media na naka-pokus kung paano sisirain ang kalaban. Nakadagdag sa pagpapakalat ng nakasisirang impormasyon ang internet at e-mail. Sa halip na ang taglayin ay mga plano ng kandidato para sa gagawing pagsisilbi, ang karumihan ng kalaban ang isinasabog.
May kaugnayan dito ang tinalakay ng visiting political science professor mula sa United States na si Stephen Farnsworth Ph. D. Sinabi ni Farnsworth na dapat nakatutok sa poll issues ang media upang mabigyan ng pagkakataong makapag-isip at makibahagi sa democratic process ang taumbayan. Sa mga issues dapat nakatuon ang media at mas maganda kung ang voters mismo ang tatanungin sa kanilang mga idea at mga gustong mangyari. Dapat tanungin ang taumbayan kung ano ang mga problema at kung paano ito malulutas. Sa pamamagitan nito, mapi-feel ng taumbayan na sila ay may kabuluhan. Idinagdag ni Farnsworth na magandang paraan ang debate sapagkat dito malalaman kung may nalalaman ang kandidato sa pagsagot sa mga isyung nakaaapekto sa mamamayan. Hindi rin naman dapat na-o-overplayed ang mga surveys sapagkat makasasama lamang ito sa kandidato. Binibigyan lamang ng maling impormasyon ang voters .
Nababatid ng taumbayan ang mga pangyayaring may kinalaman sa election dahil sa media at kung hindi magiging responsible ang taga-media, masama ang maidudulot nito sa taumbayan. Ipokus sa plano o plataporma ng kandidato at hindi sa pagbato ng putik sa