^

PSN Opinyon

Kamara na hindi Representantes

SAPOL - Jarius Bondoc -
ANG tawag sa kanila ay Kamara de Representantes dahil kinakatawan nila ang mamamayan. Pero gan’un nga ba?

Ayon sa saliksik ng Philippine Center for Investigative Journalism, habang bumabata ang populasyon, tumatanda naman ang Kongreso. Kalahati ng lipunan ngayon ay edad 25-pababa; kalahati ng 40 milyong botante ay edad 18-35. Pero karamihan sa mga representante ay edad 36-pataas; 13% lang ang edad 25-35.

Kalahati ng populasyon at ng mga botante ay babae. Pero 18% lang ng mga representante ay babae.

Halos 40% ng populasyon ay mahihirap. Pero nu’ng 1992, 44% ng representante ay galing sa upper class; 49% ang galing sa upper-middle; 7% lang ang buhat sa lower-middle. Sa Kamara nu’ng 1992-95, ang karaniwang yaman ng representante ay P8.4 milyon. Sa Kamara nu’ng 1995-98, naging P21 milyon; at nu’ng 1998-2001, P22 milyon na.

Nu’ng 1946, 21% ng mga representante ay anak ng angkan-politiko. Ngayon, 31% na sa kanila ang nagmana ng puwesto sa magulang.

Malinaw sa estadistika na hindi tunay na representante ng lipunan ang Kamara. Sila-sila na lang, minamana, yumayaman at tumatanda sa puwesto. Hindi makapasok ang mga bata, mga lower class, mga baguhan o mga babae.

Isang solusyon dito ay liitan ang mga distrito. Sa ngayon, puwede lang hatiin ng Kongreso ang isang distrito kapag lumampas sa 300,000 ang dami ng botante. Pero ni hindi ito nasusunod. Sa 2nd-district ng Quezon City, halimbawa, 540,000 na ang rehistradong botante, pero hindi pa rin hinahati sa dalawa o tatlo.

Sa ibang bansa, hindi lalampas sa 100,000 botante kada distrito. Sa ganu’ng paraan, nagkakalakas-loob ang mga bata, lower class, baguhan at babae na kumandidato bilang representante. Mas mura ang gastos sa kampanya. Mas naaasikaso ng representante ang kapakanan ng mga nasasakupan. Nagiging mas maunlad ang bansa sa kabuuan.

INVESTIGATIVE JOURNALISM

KALAHATI

KAMARA

KONGRESO

PERO

PHILIPPINE CENTER

QUEZON CITY

REPRESENTANTE

SA KAMARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with