^

PSN Opinyon

"Para sa 'yo, sweetheart"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ALAM NA NATING LAHAT ANG KONTROBERSYA NA BUMABALOT SA USAPANG PAGBILI NG MAYNILAD NG ATING GOBIERNO. MAO-ONSE NA NAMAN BA SI JUAN NG KANYANG PINAGHIRAPANG PERA NA IBINAYAD SA BUWIS DAHIL SA KATARANTADUHANG ITO? MAAWA NAMAN KAYO. SSS, GSIS, SUNOD-SUNOD. SADLAK NA ANG BAYAN SA KAHIRAPAN. HETO NA NAMAN. MAARING MALUGI NG ILANG MILYON O BILYONG PISO ANG PILIPINAS DAHIL LAMANG GUSTONG PABORAN ANG ILANG TAO PARA NA RIN SA AMBISYON NG IILAN DING TAO? SOBRA NA ITO... OVER... GRABE... SWEETHEART DEAL ANG TAWAG DITO. KUNG TOTOO ITO.

Umalingawngaw ang balitang diumano may kasunduang namumuo sa pagitan ng pamahalaang Arroyo at Maynilad. Ito’y tungkol sa pagbabalik ng pamamahala ng serbisyong tubig mula sa Maynilad pabalik sa pamahalaan, at tatawagin na New Maynilad.

Marami ang umangal. Isa na na nagging "vocal" sa pag-angal ay ang oposisyon. Si Lovely Loren, ay nagpakita na hindi niya sasantuhin ang mga taong kinauutangan niya ng loob kung bakit naging sikat siyang Broadcast Journalist, ang mga Lopeze’s ng ABS-CBN, na alam naman ng lahat ang may-ari ng Maynilad.

Hindi lang kasi pamamalakad ang isasalin sa pamahalaan, kundi maaring mamanahin din nito ang di kukulangin sa 8 bilyong piso na halaga ng pagkakautang ng Maynilad.

Aray ko po. Suskup. Inakup. Dehado tayong lahat kung magkataon. Naisahan na naman ang pobreng si Juan sa kasunduang ito.

Eh, bakit nga ba hindi? Lalabas na hindi na babayaran ang utang ng Maynilad at buburahin (write-off) ang accountability ng mga incorporators ng Maynilad.

Ito ay ayon sa mga bumabatikos sa kilos na ito. Pero nagpahayag ang Benpress Holdings Corp., ang pinakamalaking shareholder sa Maynilad na may 61% share at pagmamay-ari ng mga Lopez, ang kompanya daw ang nalugi simula pa noong 1998 na unang pinamahalaan nila ang Maynilad hanggang sa ngayon.

Nagpahayag din ang Benpress na sila pa rin daw naman ang magbabayad ng nasabing halaga ng pagkakautang. Kaya?!

Paano kaya kung hindi lumabas ang isyung ito sa media? Ganito pa rin kaya ang kalalabasan nito? Paano na rin kaya yung sinasabing overpriced na singil ng Maynilad na umaabot sa halagang 6.4 bilyong piso? Maibabalik pa kaya ito sa mga consumers? Wala pong pinagkaiba sa PPA ng Meralco, di ba ?

Gaano rin katotoo ang sinasabi ng oposisyon, ni Loren, na sa kasunduang ito, maliligtas na ang mga Lopez sa pagbabayad ng 8 bilyon, ay makapagsusubi pa ito ng halagang 2.4 bilyon?

Bakit kaya itong si QCRTC Judge Reynaldo Daway ay tigas ng katatanggi na ipakita sa publiko ang mga dokumento na tungkol sa sinasabing "deal" na ito ng gobyerno at ng Maynilad?

Hindi ba’t sinasabing kapakanan ng publiko ang isinasaalang-alang sa kasunduang ito? Aba’y dapat lang siguro na maging bukas sa publiko ang lahat ng bagay na may kinalaman dito! Transparency should be execised here. Sa laki ng isyung ito, gaya ng lagi namang nangyayari, maraming lumabas na "The Inside Story."

Nakakaladkad ang pangalan ni Sen. Noli De Castro na kasama daw sa usapang ito. Kawawang KABAYAN. Na-package deal daw ito para tumakbong runningmate ni PGMA at ang suporta nito kapalit ng pagsalo naman,"daw" ng gobyerno sa naluluging Maynilad.

Dina nakapagpigil si Kabayan at nagsalita sa isang interview na wala raw siyang alam sa pag-uusap ng mga Lopez at ni PGMA. Inilalaglag na ba ni De Castro ang kanyang Presidente? Kayo na lang ang magtanong sa kanya. Maari bang mangyari na nag-usap ang mga amo niya at si PGMA na wala siyang alam. Baka naman wala talaga siyang alam... dahil?

ANO SA PALAGAY N’YO MGA TAGASUBAYBAY NG PITAK NA ITO. PAKI-TEXT LANG ANG INYONG COMMENTS SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

vuukle comment

BENPRESS HOLDINGS CORP

BROADCAST JOURNALIST

DE CASTRO

INSIDE STORY

LOPEZ

MAYNILAD

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with