Paliwanag ni Vice Mayor Marion Andres
March 29, 2004 | 12:00am
TINAWAGAN ako sa phone ni Marikina Vice Mayor Marion Andres. Galit sa naisulat natin sa diumanoy pakikipaglaban niya para sa legalisasyon ng jueteng. Tumatakbo para sa panibagong term bilang vice mayor si Andres na isang medical doctor by profession. Pero in due time, plano ni Vice na humirit sa pagka-mayor. Ayaw niyang matulad sa kanyang ama na hanggang bise alkalde lang ang naabot.
In the interest of fair play, bibigyang daan ko ang ano mang napag-usapan namin sa telepono bagamat mas mabuti kung personal siyang susulat sa atin. Aniya "hindi ako kunektado sa kanino mang gambling lord at hindi ko iniendorso ang legalisasyon ng jueteng". Ang pinupuna lang daw niya ay bakit pinagdidiskitahan ang sugal ng mga mahihirap habang namamayagpag ang sugal ng mga mayayaman sa ilalim ng PAGCOR at PCSO. Well taken. But still, Id take such statement as tacit endrosement of jueteng, bagay na hindi natin pinapaboran porke yung pambili ng bigas at ulam ng isang maralita ay baka maipatalo pa sa sugal at lalung kakalam ang kanyang sikmura. Yung mga mayayamang mahilig magsugal, bayaan na lang kung gusto nilang waldasin ang kanilang yaman.Thats the risk they have to take and the consequence they have to face for their misdemeanor. Anyway...
Sabi pa niya, sa panahon ng panunungkulan niyay marami na siyang naipakulong na sangkot sa droga. Walang sinasanto pati sariling kamag-anak na ngayoy nasa kalaboso na rin. Okay iyan at saludo tayo. Ngunit dagdag na hataw pa marahil dahil laganap pa rin ang pangangalakal ng droga sa lungsod batay sa mga reklamong tinatanggap natin.
Kung may bahid politika man ang ilang naipapasa sa ating impormasyon, siguroy dapat ding magsuri ang isang inaakusahan sa halip na magalit. May kasabihang kung may usok, may apoy. Baka may nagagawa kayong puwedeng bigyan ng negatibong kahulugan.
Kahit Presidente pa ng Pilipinas ay hindi libre sa batikos. That is the price a leader has to pay. Whether concocted or real, accusations are not to be dismissed outright by any public official. Kahit the burden of proof is on the accuser, di puwedeng magsawalang-kibo ang inaakusahan because silence may be misconstrued as admission of guilt. Salamat sa mabilis na pagresponde ni Vice. If you have anything more to say, Vice Mayor, feel free to write me bastat kasing-haba lang ng kolum na ito para mabigyang daan ko nang buong-buo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended