Garapalang nakawan (diversion) sa loob mismo ng NFA
March 29, 2004 | 12:00am
ANGGAT patuloy ang pagtanga-tangahan ng Enforcement, Intelligence and Prosecution Division (EIPD) ng National Food Authority (NFA), patuloy din ang pamamayagpag ng mga kawatang sindikato sa loob.
Alam ng mga ito ang kahinaan ng EIPD. Kaya naman patuloy ang kanilang harap-harapang pambabastardo sa pamunuan ng NFA.
Sa loob mismo ng NFA compound sa FTI Taguig, halos araw-araw nagaganap ang garapalang bilihan at bentahan ng mga DSWD rice sa pagitan ng mga sindikatong middleman at mga maliliit na authorized retailers.
Ang mga tusot hinayupak na mga middleman ang siyang bumibili para sa mga gahamang intsik na nagmamay-ari ng mga commercial warehouses.
Ang katiwaliang ito ay tinatawag na diversion. Dahil sa halip na i-deliver ang mga bigas na ito sa mga authorized retail outlets para sa mga mahihirap, dinadala ang mga DSWD rice na to sa mga malalaking pribadong commercial warehouse.
Pagdating sa warehouse ng mga gahamang negosyante, nirere-pack o di naman kaya nirere-mill upang maibenta sa mataas na presyo.
Ang diversion ay maituturing pagnanakaw ng mga bigas sa mga mahihirap. At yung mga kawatan ay mga middleman tulad nitong nagngangalang Sophia De Guzman o mas kilala sa pangalang "Pia.
Isa siya sa mga garapatang nagkalat sa mga NFA warehouses at nagtatrabaho para sa mga malalaking warehouse na kalimitan ay pagmamay-ari ng mga intsik.
Marami pa ang mga tusong katulad ni Pia. Namimili ng mga bigas sa mga retailers na nagbebenta ng kanilang allocations sa mga sindikato. Imposibleng hindi ito nalalaman ng mga operatiba ng EIPD. Tsk tsk tsk
Kaya ikaw hepe ng EIPD, Director Emil Adrion, attorney ka pa naman, makinig ka! Pinependeho ka ng mga sindikatong ito. Ginagawa ka ring tanga ng iyong mga tauhan. Dapat naaamoy nila ang katiwaliang ito.
Insulto ito sa Intelligence nyo. Anong klaseng Enforcement ang magagawa nyo kung tatanga-tanga naman ang mga Intelligence nyo?
O, sino ang mapo-Prosecute niyo? Ilan na ba ang inyong mga na-Prosecute? Tumingin kayo sa inyong paligid! Kayong mga nasa Enforcement Intelligence and Prosecution Division (EIPD)!
Kung seryoso kayong matuldukan ang katiwalian at katarantaduhan ng mga sindikatong ito, nandito lang ang aming grupo. Handang isagawa ang surveillance at undercover operation para sa inyo.
Isang malaking karangalan para sa amin isa-isang BITAGIN ang mga sindikatong harap-harapan at garapalan isinasagawa ang kanilang pagnanakaw (diversion) sa loob mismo ng inyong bakuran.
Para sa inyong mga reaksyon, sumbong at reklamo i-text sa BITAG<space>COMPLAINTS <space> (message) to 2333-Globe/touch mobile 334 smart talk ntext). O di naman kaya sa aming hotline #(0918) 9346417 o tumawag sa mga numero 932-5310 at 932-8919. Makinig sa DZME 1530Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 a.m. at panoorin ang programangBITAG tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. sa IBC-13.
Alam ng mga ito ang kahinaan ng EIPD. Kaya naman patuloy ang kanilang harap-harapang pambabastardo sa pamunuan ng NFA.
Sa loob mismo ng NFA compound sa FTI Taguig, halos araw-araw nagaganap ang garapalang bilihan at bentahan ng mga DSWD rice sa pagitan ng mga sindikatong middleman at mga maliliit na authorized retailers.
Ang mga tusot hinayupak na mga middleman ang siyang bumibili para sa mga gahamang intsik na nagmamay-ari ng mga commercial warehouses.
Ang katiwaliang ito ay tinatawag na diversion. Dahil sa halip na i-deliver ang mga bigas na ito sa mga authorized retail outlets para sa mga mahihirap, dinadala ang mga DSWD rice na to sa mga malalaking pribadong commercial warehouse.
Pagdating sa warehouse ng mga gahamang negosyante, nirere-pack o di naman kaya nirere-mill upang maibenta sa mataas na presyo.
Ang diversion ay maituturing pagnanakaw ng mga bigas sa mga mahihirap. At yung mga kawatan ay mga middleman tulad nitong nagngangalang Sophia De Guzman o mas kilala sa pangalang "Pia.
Isa siya sa mga garapatang nagkalat sa mga NFA warehouses at nagtatrabaho para sa mga malalaking warehouse na kalimitan ay pagmamay-ari ng mga intsik.
Marami pa ang mga tusong katulad ni Pia. Namimili ng mga bigas sa mga retailers na nagbebenta ng kanilang allocations sa mga sindikato. Imposibleng hindi ito nalalaman ng mga operatiba ng EIPD. Tsk tsk tsk
Kaya ikaw hepe ng EIPD, Director Emil Adrion, attorney ka pa naman, makinig ka! Pinependeho ka ng mga sindikatong ito. Ginagawa ka ring tanga ng iyong mga tauhan. Dapat naaamoy nila ang katiwaliang ito.
Insulto ito sa Intelligence nyo. Anong klaseng Enforcement ang magagawa nyo kung tatanga-tanga naman ang mga Intelligence nyo?
O, sino ang mapo-Prosecute niyo? Ilan na ba ang inyong mga na-Prosecute? Tumingin kayo sa inyong paligid! Kayong mga nasa Enforcement Intelligence and Prosecution Division (EIPD)!
Kung seryoso kayong matuldukan ang katiwalian at katarantaduhan ng mga sindikatong ito, nandito lang ang aming grupo. Handang isagawa ang surveillance at undercover operation para sa inyo.
Isang malaking karangalan para sa amin isa-isang BITAGIN ang mga sindikatong harap-harapan at garapalan isinasagawa ang kanilang pagnanakaw (diversion) sa loob mismo ng inyong bakuran.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest