Dahil sa pagkasunog at paglubog ng SuperFerry 14 noong Pebrero 27, napag-alaman na hindi na mabilang ang namatay sa mga trahedya sa mga karagatan. Ilan sa mga malalagim at kontrobersyal na maritime accident na naisulat sa mga karagatan sa Pilipinas ay ang MV Don Juan noong 1980, MV San Juan noong 1981 at MV Doña Paz noong 1987 na sinasabing 4,000 katao ang namatay.
Ilan pa sa mga tragedies na gumimbal sa madla ay ang paglubog ng MV Cebu City noong 1994; MV Viva Antipolo noong 1995, at ang mga paglubog ng MV Melody, MV Gretchen, MV Princess of the Orient Seas, MV San Nicolas at marami pang iba na ayon sa mga pagsisiyasat ang sanhi ay incompetence and error ng mga tripulante.