^

PSN Opinyon

Ikalawa ang Pilipinas sa most accident prone na bansa

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NAKAAALARMA ang balitang ang Pilipinas ang second most accident prone na bansa sa buong mundo. Pumapangalawa tayo sa Iran. Mga aksidente gaya ng sunog, lindol, bagyo, paglubog ng barko, pagbagsak ng mga eroplano at sasakyang panlupa sa mga bangin, ilog at karagatan. Sa nakalipas na 10 taon ay natala na 5,8 milyong tao sa Pilipinas ang namatay sa sakuna. Sa naturang period ay 6.4 milyon naman ang naireport sa Iran. Batay sa dami ng populasyon kung saan ay nangunguna sa dami ng tao ang China.

Dahil sa pagkasunog at paglubog ng SuperFerry 14 noong Pebrero 27, napag-alaman na hindi na mabilang ang namatay sa mga trahedya sa mga karagatan. Ilan sa mga malalagim at kontrobersyal na maritime accident na naisulat sa mga karagatan sa Pilipinas ay ang MV Don Juan noong 1980, MV San Juan noong 1981 at MV Doña Paz noong 1987 na sinasabing 4,000 katao ang namatay.

Ilan pa sa mga tragedies na gumimbal sa madla ay ang paglubog ng MV Cebu City noong 1994; MV Viva Antipolo noong 1995, at ang mga paglubog ng MV Melody, MV Gretchen, MV Princess of the Orient Seas, MV San Nicolas at marami pang iba na ayon sa mga pagsisiyasat ang sanhi ay incompetence and error ng mga tripulante.

BATAY

CEBU CITY

DON JUAN

ILAN

PILIPINAS

PRINCESS OF THE ORIENT SEAS

SAN JUAN

SAN NICOLAS

VIVA ANTIPOLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with