Umuwi na ang bawat isa, ngunit si Jesus ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. Kinaumagahay nagbalik siya sa templo. Lumapit sa kanya ang lahat, kaya umupo siya at tinuruan ang mga ito. Nooy dinala sa kanya ng mga Eskriba at ng mga Pariseo ang isang babaing nahuli sa pakikiapid. Pinatayo ito sa harapan nila, at sinabi kay Jesus, "Guro, ang babaing itoy nahuli sa pakikiapid. Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga gaya niya. Ano ang masasabi mo?" (Itinanong nila ito upang subukin siya, nang may maisumbong sila laban sa kanya.) Ngunit yumuko si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri. Ayaw nilang tigilan nang katatanong si Jesus at sinabi ang ganito, "Sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa babaing ito." At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa. Nang marinig nila ito, silay isa-isang umalis ang mga tao. Walang naiwan kundi si Jesus at ang babaing nahuli sa pakikiapid. Tiningnan siya ni Jesus at tinanong: "Nasaan sila? Wala bang nagparusa sa iyo?" "Wala po, Ginoo," sagot ng babae. Sinabi ni Jesus: "Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka at huwag nang magkasala."
Nais ng mga Eskribat Pariseo na mabitag si Jesus. Kung sumang-ayon siya na batuhin ang babae, si Jesus ay hindi tunay na maawain. Subalit kung sabihin naman niya na ang babae ay hindi dapat batuhin hanggang mamatay, maaari nila siyang akusahan sa harap ng Sanedrin. Pagkat hindi siya sumusunod sa Kautusan ni Moises.
Tuwirang inantig ni Jesus ang mga konsensiya ng mga eskribat Pariseo. Sinabi niya sa kanila: "Sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa kanya." Isa-isang nagsialis ang mga tao. Tanging si Jesus at ang babae lamang ang natira. Sabi nga ni San Agustin: "Tanging dalawa lamang ang natira: ang kaawa-awang babae at ang Maawain."
Si Jesus ay maawain. Naparito siya upang iligtas ang mga makasalanan.