Habang iniimbestigahan ng mga tauhan ni NCRPO chief Dir. Ricardo de Leon, natuklasan na itong sina Aplaca at Are ay kakutsaba ng mga miyembro ng Bulig robbery group na nagsagawa ng holdap. Ayon sa report niya kay De Leon, sinabi ni Sr. Supt. Freddie Panen na ang handbag ng pasaherong si Lluminada Valdez, 46, ay nakuha sa posisyon ni Are. Ang cellphone naman ni Valdez ay nakuha sa tool box malapit sa drivers seat kung saan si Aplaca. Noong una, matikas na itinanggi nina Aplaca at Are na kasabwat sila ng mga holdaper. Pero nang iharap ni De Leon sila sa media, biglang tumuga itong si Are at itinuro si Aplaca na siyang kakilala ng mga Bulig robbery group. He-he-he! tiyak, kalaboso sina Aplaca at Are, di ba suki?
Ang kuwento naman ni Valdez, bigla niyang ibinaba ang kanyang bag sa isang bahagi ng bus matapos ianunsiyo nga ng mga holdaper ang kanilang pakay.
Nagulat na lang siya ng makita niya si Are na nakadagan na sa kanyang bag habang kinukulimbat ng mga suspects ang gamit ng kapwa pasahero niya.
Nang matapos na ang holdapan, kinuha ni Valdez ang kanyang bag kay Are at nagulat siya dahil bukas na ang zipper nito at wala na rin ang kanyang mga alahas at at ibat ibang klaseng cards. Nagmakaawa siya kay Are na isa-isa namang ibinalik sa kanya ang kanyang nawawalang gamit. Ang cellphone ay na-trace naman ng mga pulis sa pamamagitan ng pag-miss call dito.
Kaya nagduda rin ang mga pasahero dito kay Aplaca dahil kung inabot ng dalawang oras ang holdapan, eh sobrang bagal naman ang pag-drive niya ng JMK bus at hindi niya ito inihinto o nagbigay man lang ng hudyat sa presinto ng pulisya na madaanan nila, he-he-he!
Walang balak ipahuli ni Aplaca ang tatlong ang taltong suspects, pero ang kinalabasan sila ni Are ang magdurusa sa kulungan, di ba mga suki? Kaagad na iniutos ni De Leon na imbestigahan pa ang tatlong bus robbery na sangkot ang JMK bus baka sakaling itong mga Bulig robbery group rin ang may kagagawan. Abangan!