^

PSN Opinyon

Drivewr at konduktor ng JMK bus kasabwat ng mga holdaper!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
BUMABAYBAY sa kahabaan ng Samson Road sa Caloocan City ang JMK bus na may plakang TWR 315 at body number na 5252 nang biglang ianunsiyo ng tatlong miyembro ng Bulig robbery group, na armado ng baril at patalim, ang isang holdap noong Biyernes ng madaling araw. Kinulimbat ng tatlong suspects ang mga cellphone ng mga pasahero sa mabilisang pamamaraan. Gusto na sanang bumaba ng mga suspects sa tapat ng Francis Market sa Malabon subalit nagbago ang kanilang isip. Bumalik sila sa loob ng sasakyan, kinapkapan ang lahat ng pasahero sabay kuha ng kanilang wallet, handbag, alahas at cash bago sila tuluyang bumaba sa Santolan Street. Nang wala na ang mga suspects, nagtalo pa ang mga pasahero at ang bus driver na si Raul Aplaca, 33, residente ng Malaya, Bangkal, Meycauyan, Bulacan at conductor nito na si Rodel Are, 23 ng Dalig, Balagtas, Bulacan na huwag nang i-report sa pulisya ang kaso. Nanaig ang mga pasahero at hindi sila nagkamali sa kanilang desisyon.

Habang iniimbestigahan ng mga tauhan ni NCRPO chief Dir. Ricardo de Leon, natuklasan na itong sina Aplaca at Are ay kakutsaba ng mga miyembro ng Bulig robbery group na nagsagawa ng holdap. Ayon sa report niya kay De Leon, sinabi ni Sr. Supt. Freddie Panen na ang handbag ng pasaherong si Lluminada Valdez, 46, ay nakuha sa posisyon ni Are. Ang cellphone naman ni Valdez ay nakuha sa tool box malapit sa driver’s seat kung saan si Aplaca. Noong una, matikas na itinanggi nina Aplaca at Are na kasabwat sila ng mga holdaper. Pero nang iharap ni De Leon sila sa media, biglang tumuga itong si Are at itinuro si Aplaca na siyang kakilala ng mga Bulig robbery group. He-he-he! tiyak, kalaboso sina Aplaca at Are, di ba suki?

Ang kuwento naman ni Valdez, bigla niyang ibinaba ang kanyang bag sa isang bahagi ng bus matapos ianunsiyo nga ng mga holdaper ang kanilang pakay.

Nagulat na lang siya ng makita niya si Are na nakadagan na sa kanyang bag habang kinukulimbat ng mga suspects ang gamit ng kapwa pasahero niya.

Nang matapos na ang holdapan, kinuha ni Valdez ang kanyang bag kay Are at nagulat siya dahil bukas na ang zipper nito at wala na rin ang kanyang mga alahas at at iba’t ibang klaseng cards. Nagmakaawa siya kay Are na isa-isa namang ibinalik sa kanya ang kanyang nawawalang gamit. Ang cellphone ay na-trace naman ng mga pulis sa pamamagitan ng pag-miss call dito.

Kaya nagduda rin ang mga pasahero dito kay Aplaca dahil kung inabot ng dalawang oras ang holdapan, eh sobrang bagal naman ang pag-drive niya ng JMK bus at hindi niya ito inihinto o nagbigay man lang ng hudyat sa presinto ng pulisya na madaanan nila, he-he-he!

Walang balak ipahuli ni Aplaca ang tatlong ang taltong suspects, pero ang kinalabasan sila ni Are ang magdurusa sa kulungan, di ba mga suki? Kaagad na iniutos ni De Leon na imbestigahan pa ang tatlong bus robbery na sangkot ang JMK bus baka sakaling itong mga Bulig robbery group rin ang may kagagawan. Abangan!

APLACA

BULACAN

BULIG

CALOOCAN CITY

DE LEON

FRANCIS MARKET

FREDDIE PANEN

LLUMINADA VALDEZ

VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with