Uminom nang maraming tubig para hindi magka-cystitis

NAKARANAS na ba kayo na ihing-ihi na subalit kapag nagpunta kayo sa comfort room para umihi ay kakatiting lamang ang inyong lalabas? Ang nararanasang ito ay tinatawag na cystitis o sa Filipino ay balisawsaw. Bukod sa kakaunti ang inilalabas ng ihi, makadarama rin ng hirap sa pag-ihi o painful burning sensation. Libong kababaihan at kalalakihan ang nakararanas ng cystitis.

Ang pinakamahalagang dietary rule para sa mga nakararanas ng cystitis ay ang pag-inom ng dalawa hanggang tatlong litro ng tubig bawat araw para ma-dilute ang ihi. Ang pag-inom nang maramng tubig ay ginagawang less acidic kaya ang pag-ihi ay hindi nagiging masakit.

Ang pagtake ng mga gamot gaya ng potassium citrate ay naneu-neutralized ang ihi. Karamihan sa mga nakararanas ng cystitis ay natuklasang ang pag-inom ng kape, tea, fizzy drinks, at ganoon ang paggamit ng chile peppers at mga spices ay nakapagpapalubha sa sintomas ng sakit.

Ipinapayo ang pag-inom ng cramburry juice bilang preventive measure. Ang cramberry juice ayon sa mga pag-aaral ay nahahadlangan ang bacterium E coli na kumapit sa dingding ng urinary tract at naiiwasan ang infection.

Ang mga may urinary tract infection (UTI) ay pinapayuhang kumunsulta sa doktor. Kapag hindi nagamot ang UTI maaari itong mahantong sa kidney infection, na napakadelikado at may kahirapang gamutin.
* * *
Sa mga may katanungan kay Dr. Elicaño, maaari po kayong sumulat sa ganitong address:

WHAT’S UP DOC?
Dr. Tranquilino Elicaño Jr.
Pilipino Star NGAYON
202 Roberto Oca cor. Railroad Sts.
Port Area, Manila

Show comments