Kaluwagan sa mga delinquent borrowers

NAPAKAGANDANG balita sa ating mga kababayan na may delinquent housing accounts sa mga ahensiya at institusyon ng ating pamahalaan.

Kaakibat ng paglunas sa suliraning pabahay sa ating mga kababayan na wala pang sariling mga tirahan, ay ang pagbibigay ng konsiderasyon ng administrasyong Arroyo sa ating mga kababayang nasa bingit ng foreclosure ang kanilang mga bahay, pagpapaalis sa kanilang mga nakasanglang bahay at hindi nakakapagbayad ng kanilang mga buwanang amortisasyon.

Ang pagpapanatili sa mga nakasanglang bahay ang binigyang pansin at prayoridad ni President Arroyo noong nakaraang buwan. Nilagdaan ni Presidente Arroyo ang Executive Order No. 281 upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na may delinquent accounts na ma-update ang kanilang buwanang bayad. Kasama rin dito ang pagdeklara ng moratorium sa pagpapaalis at pagsara ng mga nakasanglang bahay. Ngunit ang nasabing EO ay sumasakop lamang sa mga ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng National Shelter Program. Kasama na rito ang National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), Home Development Mutual Fund (HDMF) o Pag-IBIG, Government Service Insurance System (GSIS), at Social Security System (SSS).

Ang moratorium na ito ay magbibigay ng pansamantalang paghinga sa ating mga housing borrowers sa gitna ng mga bayarin sa matrikulasyon, pagpapatapos ng mga anak at iba pang personal at pampamilyang problema.

Pagpapatunay lamang ito ng pagkilala at pagtulong ni President Arroyo sa pang-araw-araw na suliranin ng mga kababaya

Show comments