^

PSN Opinyon

Kasal na walang lisensiya ay walang bisa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NILIGAWAN ni Art, isang retiradong navy at pensyonado, si Marita. Malaking lupain ang pag-aari ni Art subalit siya ay masasakitin na. Kahit na malaki ang agwat ng edad, pumayag si Maritang pakasal kay Arsenio. Kaya, noong January 5, 2000, nag-apply sila ng lisensya ng kasal sa Local Civil Registrar ng kanilang lugar. Nakatatak sa likod ng kanilang aplikasyon na makukuha nila ang lisensya na January 17, 2000. Subalit hindi ito kinuha nina Marita at Art.

Samantala, kinausap nila si Jaime na maghanap ng isang judge na magkakasal sa kanila. Si Judge Reyes ang nakuha ni Jaime. February 17, 2000 ang napiling petsa. Ginarantiya ni Jaime na lahat na dokumentong kakailanganin sa kasal ay makukumpleto.

Nang araw ng kasal, nakiusap si Jaime na magpunta na lamang si Judge Reyes sa bayan ni Art sa layong 25 km. dahil hindi ito makalakad dulot ng stroke. Samantala, natuklasan ni Judge na wala pa palang lisensya ng kasal ang dalawa, kaya agad siyang tumanggi. Subalit dahil sa pagmamakaawa ng mga partido at sa dami ng bisitang dumalo, pumayag na rin ito.

Matapos ang kasal, pinaalala ni Judge Reyes na kapag walang lisensya, mawawalan ng bisa ang nasabing kasal. Nangako ang bagong kasal subalit ito ay napako.

Samantala, maikling panahon lamang ang naging pagsasama ng mag-asawa dahil namatay agad si Art. Hindi rin nakuha ni Marita ang kanyang mana dahil ang rekord ng kanilang kasal ay wala sa listahan ng Civil Registrar General’s Office (National Statistics) o sa local civil registrar ng kanilang munisipyo. Hindi rin natanggap ni Marita ang pensyon ni Art. Sa galit ay nagsampa siya ng kasong administratibo laban kay Judge Reyes subalit di kalaunan ay binawi niya ito matapos aminin na nagkaroon din siya ng pagkukulang. Gayunpaman, nahatulan pa rin ng Court Administrator (CA) si Judge Reyes dahil nagkasal siya ng walang lisensya ng kasal at sa labas ng kanyang hurisdikyon. Tama ba ang CA?

TAMA.
Labag sa batas ang ginawa ni Judge Reyes dahil hindi na saklaw ng kanyang hurisdiksyon. Limitado lamang siya sa kanyang munisipalidad.

Bukod pa rito, ang kasal na walang lisensya ay walang bisa. Wala na ring epekto ang lisensya na ma-iisyu pagkatapos nito. Ang lisensiya ng kasal sana ang magbibigay kay Judge Reyes ng awtoridad subalit dahil sa kanyang kapabayaan at kawalan ng kaalaman sa batas, magmumulta siya ng P5,000.00 at may babalang hindi na muling maulit ito (Aranes vs. Occiano 380 SCRA 402).

CIVIL REGISTRAR GENERAL

COURT ADMINISTRATOR

DAHIL

JAIME

JUDGE

JUDGE REYES

KASAL

LISENSYA

LOCAL CIVIL REGISTRAR

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with