^

PSN Opinyon

NFA nabulabog ng 'BITAG'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
TULUY na tuloy n’yo nang mapapanood sa "BITAG", bukas ng gabi sa IBC 13, ang episode na dapat ay naipalabas na namin nu’ng nakaraang Sabado, a-20 ng Marso.

Hinggil ito sa kontrobersiyal na "beinte pesos" entrance fee ng National Bureau of Investigation (NBI)—Carriedo Plaza. Dahil sa hindi inaasahang problemang-teknikal, replay episode ng "BITAG" nu’ng nakaraang taon ang inyong napanood.

Kung magkakataon man, posibleng sabay ninyong mapapanood ang istoryang ito du’n sa programang kauri namin, sa kabilang higanteng himpilan. Naisagawa namin ang surveillance sa pamamagitan ng aming mga "BITAG undercover" staff.

Ang kaibahan ng inyong makikita, umamin sa "BITAG" ang kinauukulang sa kanilang pagkakamali at pagkukulang. Dahil hindi daw nila naisa-publiko ang paniningil ng Carriedo Plaza ng "beinte pesos para sa NBI.

NABULABOG at nakalampag ng "BITAG" ang National Food Authority (NFA) sa central office hinggil sa aming mga nakuhang "surveillance footages" ng aktuwal na "pagnanakaw" ng mga bigas para sa mga mahihirap (o DSWD rice).

Hulog sa aming "BITAG" ang modus ng sindikato. Mula sa warehouse ng NFA-FTI, sa Taguig, hanggang sa pinagdadalhang warehouse ng sindikato sa Sta. Ana, Maynila, nasundan ito at napitikan ng aming surveillance camera.

Eksklusibo din namin nakunan ang pag-diskarga sa mahigit 100 sako ng mga nakaw (o diverted) na bigas. Dito ibinabagsak ang nasabing mga DSWD rice, sa halip na dalhin sa mga maliliit na retailers na awtorisado ng NFA.

Kitang-kita sa aming camera ang pagkagulantang ng mga tauhan ng sindikato matapos magkakasabay na sinugod ng "BITAG" kasama ang Traffic Management Group (TMG)-Task Force Limbas, na aming kinontak sa Kampo Crame.

Eksklusibo ding mapapanood sa susunod na episode kung papano nasakote at hindi nakapalag sa "BITAG" ang tumatayong "middleman" ng sindikato.

Ito ‘yung tagabili sa mga nakaw (diverted) na bigas mula sa mga awtorisadong retailers at ibibenta naman sa mga malalaking negosyanteng Chinese.

Mula sa pagiging DSWD rice, ito’y idadaan sa "re-milling" at ililipat ng sako para gawing commercial rice.

Abangan ang detalyadong paglalahad ng "BITAG" sa eksklusibong imbestigasyon hinggil sa pagnanakaw ng nasabing bigas para sa mahihirap.
* * *
Para sa inyong mga reaksiyon, sumbong at reklamo type BITAG <space> COMPLAINTS <space>(message) at i-send sa 2333 (Globe/TouchMobile) O 334 (Smart/TalknText). O di naman kaya sa aming hotline # (0918) 9346417 o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-89-19.

vuukle comment

AMING

BITAG

CARRIEDO PLAZA

DAHIL

EKSKLUSIBO

KAMPO CRAME

MULA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with