^

PSN Opinyon

Marumi ang pulitika sa bansa

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
ANG hirap talaga ng pulitika dito sa Pilipinas. Hindi mo malaman kung ano ang totoo at ang gawa-gawa lamang. Walang alintana kung makakasakit sa pagkatao at karapatan ng kapwa. Basta ang hangarin ay maka-angat ang sarili sa mata ng taumbayan kahit na makasira pa sa reputasyon ng iba. Gamit ang kalakaran ng maruming pulitika dito sa ating bansa na dapat sana ay maka-tao at maka-Diyos sapagkat ang Pilipinas ay natatanging Katolikong bansa sa Asya.

Kaya ayan, banatan nang banatan at siraan nang siraan na para bagang inaanunsiyo sa buong mundo na ang Pilipinas ay punung-puno ng mga kawatan, mandurugas at masasamang tao na hindi dapat pagkatiwalaan. Kilalang-kilala na ang ating bansa bilang isa sa nangungunang pinaka-corrupt sa buong mundo. Kagagawan ito ng ating mga baliw na pulitiko.

Tingnan na lang natin ang nangyayari sa eleksyong ito partikular sa mga kumakandidato sa pagka-presidente at bise-presidente. Kung pakikinggan ang mga tuligsa sa bawat isa, wala ni isa sa kanila ang matino at mabuting tao. Ang mga alegasyon ay walang patumanggang paninira at lahat daw sila ay masasama ang budhi at hindi malinis ang puso at pag-iisip na hindi karapat-dapat na magsilbi sa bayan. Di ba ang sakit nito sa ating mga mamamayan? Lumalabas na wala na tayong mapili pang magaling na tao upang kumandidato upang mamuno sa ating bayan sapagkat lahat tayo ay mga bugok.

Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga paninira sa mga presidentiables na sina Gloria Macapagal Arroyo, Raul Roco, Panfilo Lacson, Fernando Poe, Jr. at Evangelist Eddie Villanueva. Lahat sila ay mga may matitinding panininira... walang exemption.

Pati ang vice presidentiables na sina Sen. Noli de Castro at Sen. Loren Legarda ay may mga masasagwang paninira rin. Bugbog-sarado na sa siraan ang mga kandidatong ito na pautloy na inaasahang gagrabe pa ang batuhan ng baho habang palapit nang palapit ang eleksyon. Kung kaya’t hindi ko alam kung ano na ang magiging hitsura ng kung sino man ang mananalo sa May 10. Marahil, kulapol na sa putik ng masamang pamumulitika ang buong pagkatao. Panalo nga subalit pinapangit na ng maruming pulitikahan.

ASYA

BUGBOG

EVANGELIST EDDIE VILLANUEVA

FERNANDO POE

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

LOREN LEGARDA

PANFILO LACSON

PILIPINAS

RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with