Ayon sa aking bubwit , 47 days na lang at eleksiyon na. Happy birthday muna kay Atty. Pia Cayetano ng K-4; former vice Mayor Pacifico "Picong" Santos ng Taguig; Samuel Gayatin ng Lipa City; Ursula San Pablo Topacio, Milagros Malate at Remey Pagdilao ng Pinili Ilocos Norte.
Ayon sa aking bubwit, tahimik lamang si Mayor subalit may pagka-pilyo pala sa chiching. Mahilig pala si Mayor sa mga mestisang bold actress.
Ayon pa sa aking bubwit, mahilig palang magregalo si mayor sa kanyang chiching kaya siya nabuking. Nabisto ni Misis ang illicit love affair ni Mayor at ng bold actress dahil sa ipinabiling regalo.
Sa dinami-dami ba naman kasi ng puwedeng mautusan ni Mayor na bumili ng regalo para kay actress si misis pa ang nautusan.
Ayon sa aking bubwit, ang rason kaya si Misis ang pinabili ni Mayor ng regalo ay upang hindi siya pagdudahan. Kunwari ay regalo ito para sa kanilang supporter.
Kaya lang, malakas ang pakiramdam ni Misis.
Nagduda siya kaagad nang isakay sa kotse ni Mayor ang nasabing regalo.
Ang ginawa ng kumander ni Mayor ay sinita yung bodyguard ni Mayor.
Umamin ba yung bata mo mayor?
Nagtaka talaga si misis dahil sa Rustans ba naman kasi pinabili yung regalo. Halatang very special ang kaniyang pagbibigyan.
Ayon sa aking bubwit, ang maganda at mestisahing actress na naging siyota ni Mayor ay si
Pilya ang ST actress na ito.
Kasi, nang hindi pa masyadong sikat, pumunta ito sa DZRH, nagpa-interview sa aming showbiz reporter na si Tita Swarding.
Akalain nyo ba namang natipuhan niya ang aming news director na si Andy Vital at biglang dinakma ang kanyang "Barangay chairman."
Pilya ang babaeng ito. Pilya rin ba ito sa kama Mayor?
Ang ST actress na siyota ni Mayor ay si actress C.R.
At ang mayor na tahimik at simple lang subalit matulis pala at nagkasiyota pa ng bold actress ay si Mayor C. as in Charlie.