^

PSN Opinyon

Ambisyosong Marikina Vice Mayor pabor sa jueteng

- Al G. Pedroche -
AYAW daw ni Marikina Vice Mayor Marion Andres na matulad sa kanyang ama na hanggang bise alkalde lang ang naabot at hindi naging mayor ng Marikina gaya ng kanyang pinangarap. Ang erpat ni Andres ay nagsilbing vice mayor noong dekada 60 nang alkalde pa si Gil Fernando, tatay ni MMDA Chair Bayani Fernando.

Ang problema’y ipinaglalaban niyang ma-legalize ang jueteng. Kung hindi rin lang daw magiging legal ang jueteng, ipagbawal na ang lahat ng sugal. Pati yung mga accredited ng PAGCOR at PCSO. Ganyan katindi ang interes ni Andres na maging legal ang jueteng. Kung ang shortcut sa pagsugpo ng ilegal ay gawing legal, aba, edi i-legalize na rin ang droga at kidnapping. Pero baluktot na solusyon iyan.

Usap-usapan pa ngayon ang diumano’y koneksyon ni Vice sa kilalang jueteng lord sa Rizal na si "Bolok." Ayoko sanang paniwalaan iyan pero patunayan mong hindi totoo ito Vice. Huwag nang ipaglaban ang jueteng. Walang personalan ito pero sa kabila ng supposedly pagiging in-charge ni Vice sa kampanya kontra droga, talamak pa rin ang demonyong bisyong ito sa Marikina. Lantaran pa rin ang operasyon ng mga nangangalakal ng bawal na gamot.

Si Andres ay binitbit at kinalinga ni Marikina Mayor Marides Fernand noong 2001 local elections kaya siya ngayon ang bise alkalde. Pero pagkaluklok sa poder, ang agad na ipinaglaban ay ang legalisasyon ng jueteng. Pambihira naman!

Mr. Vice, walang masamang mag-ambisyon para sa mas mataas na tungkulin. Pero payong kapatid, maglingkod ka nang may mabuting intensyon.

ANDRES

AYOKO

BOLOK

CHAIR BAYANI FERNANDO

GIL FERNANDO

MARIKINA MAYOR MARIDES FERNAND

MARIKINA VICE MAYOR MARION ANDRES

MR. VICE

PERO

SI ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with