EDITORYAL - Proteksyon sa 'whistleblowers'
March 25, 2004 | 12:00am
Isang dahilan kung bakit hindi masugpo ang corruption sa bansa ay sapagkat walang may malakas na loob na magsumbong sa ginagawang pangungurakot ng pinuno sa mga tanggapan ng pamahalaan. Kahit na mayroong alam na nangyayaring katiwalian ang isang empleado, ititikom na lang ang bibig niya at ipipikit ang mga mata na parang walang makita. Delikado nga namang siya ang resbakan ng isusumbong niya. Kaya naman patuloy ang mga "buwayang gutom" sa katiwalian dahil marami ang natatakot na silay isumbong.
Si Acsa Ramirez ang kauna-unahang babae na lumantad at nagbulgar sa katiwalian sa Land Bank of the Philippines (LBP) noong August 2002. Pero masaklap ang naranasan ni Acsa sapagkat sa halip na purihin ni President Arroyo ay ipinarada at itinuro pang suspect sa billion tax fraud sa nasabing banko. Humingi naman ng tawad si Mrs. Arroyo sa nagawa kay Acsa. Ayaw namang humingi ng tawad kay Acsa ang National Bureau of Investigation at kinasuhan pa nga ang "whistleblower".
Maraming nangyayaring katiwalian sa mga tanggapan ng pamahalaan o maski sa mga pribadong tanggapan pero ang mga ito ay hindi nalalantad dahil nga sa takot na magsumbong. Kung lumantad daw ba sila ay tiyak bang poprotektahan sila ng pamahalaan o iiwan sa masaklap na sitwasyon. Hindi biro ang magsiwalat ng mga nakikitang katiwalian sa isang tanggapan. Buhay ang nakataya rito. Hindi basta-basta ang susuunging panganib kapag naging "whistleblower".
Ang proteksiyon sa mga "whistleblowers" ang hinihiling ngayon ng grupo ng mga empleado sa gobyerno kay President Arroyo. Ang pagkakaloob ng proteksiyon ay isang magandang hakbang para maisulong ang kampanya laban sa corruption. Sinabi ni Esperanza Ocampo, pinuno ng Philippine Government Employees Association (PGEA) na minamabuti pa ng mga government employees na manahimik sa mga nakikitang pangungurakot at masasamang gawain sapagkat wala naman silang proteksiyon. Kamakalawa, pumirma sa isang kasunduan ang PGEA at iba pang government labor unions kay Executive Sec. Roberto Romulo at iba pang Cabinet officials para maprotektahan ang mga "whistleblowers".
Nararapat nang magkaroon ng batas tungkol sa witness protection program. Kung mayroon nang batas, hindi na matatakot ang mga whistleblower na ibunyag ang mga opisyal na mas matatakaw pa sa buwaya. Hindi na sila maaaring paghigantihan ng kanilang isinumbong sapagkat protektado na sila ng batas.
Ang corruption sa mga tanggapan ng pamahalaan ay masyado nang malala. Kabilang sa mga ahensiya ng gobyerno na talamak ang katiwalian ay ang Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at Department of Public Works and Highways.
Kapag nagkaroon na ng protection program para sa mga whistleblowers, maaaring mabawasan na ang mga corrupt sa pamahalaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended