^

PSN Opinyon

Paggawa sa araw ng pamamahinga

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG pagsunod sa Araw ng Pamamahinga ay nababatay sa pagpapahinga ng Diyos pagkatapos ng anim na araw ng paglikha. Isinalaysay ni Juan ang tungkol sa kontrobersiya sa pagitan ni Jesus at mga Judio (Jn. 5:17-30).

Kaya sinabi sa kanila ni Jesus, "Ang aking Ama’y patuloy sa paggawa, at gayon din ako. Lalo pang pinagsikapan ng mga Judio na patayin siya, sapagkat nilabag na niya ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga ay sinasabi pa niyang ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayo’y ipinapantay ang sarili sa Diyos.

Kaya sinabi sa kanila ni Jesus, "Dapat ninyong malaman na walang ginagawa ang Anak nang sa kanyang sarili lamang; ang ginagawa lamang niya’y ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Sapagkat minamahal ng Ama ang Anak, at ipinakikita sa Anak ang lahat ng ginagawa niya. At higit pa sa mga ito ang mga gawang ipakikita sa kanya ng Ama at manggigilalas kayo. Kung paanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayon din naman, bubuhayin ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin. Hindi humahatol kaninuman ang Ama. Ibibigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol upang parangalan ng lahat ang Anak, tulad ng kanilang pagpaparangal sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nagsugo sa Anak.

"‘Sinasabi ko sa inyo: Ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa kamatayan. Tandaan ninyo: darating ang panahon ˆ ngayon na nga na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at ang makinig sa kanya ay mabubuhay. Ang Ama ang may kapangyarihang magbigay-buhay at ang Anak ay binigyan niya ng kapangyarihang magbigay-buhay, Binigyan din siya ng kapangyarihang humatol sapagkat siya ang Anak ng Tao. Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig. Sila’y muling mabubuhay at lalabas sa kinalilibingan nila. Lahat ng gumawa ng mabuti ay pagkakalooban ng buhay na walang hanggan at lahat ng masama ay parurusahan.

"Wala akong ginagawa nang sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi sa akin ng Ama, kaya matuwid ang hatol ko; hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin."


Alam ng mga Judio na ang pagpapala ng Diyos ay nananatiling aktibo sa panahon ng Araw ng Pamamahinga. Patuloy na pinangangalagaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Sa Araw ng Pamamahinga, nagbibigay-buhay Siya sa pamamagitan ng panganganak ng babae. Binabawi rin Niya ang buhay sa kamatayan.

Kung ating pagninilayan ang ating mga sarili, marami sa atin ang hindi sumusunod sa Araw ng Pamamahinga. Hindi tayo dumadalo sa misa kung Linggo. Hindi natin binibigyang-pansin ang ating pang-espiritwal na pamumuhay. Ginagawa natin ang paghahanapbuhay bilang ang layunin ng buhay at kabuuan ng ating buong buhay. Hindi natin nalalaman na sa Misa, kumakain tayo ng Salita ng Diyos at tinanggap Siya sa komunyon.

AMA

ANAK

ANG AMA

ARAW

BUHAY

DIYOS

JUDIO

PAMAMAHINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with