Pasikip nang pasikip ang landas ni Tikboy Garcia
March 24, 2004 | 12:00am
NAGKALASAN ang mga maliliit na video-karera operators nitong nagdaang mga araw kay Buboy Go dahil sa kawalanghiyaan ni Tikboy Garcia. Kasi nga, kahit naka-umbrella na sila kay Buboy Go ay ninanakaw pa ng mga buwayang alaga ni Col. Erwin Robles ng Intelligence Group (IG) ng PNP, ang mga makina nila at binebenta nga sa una. Kawalanghiyaan nga yan, di ba mga suki? Ang isa sa mga kumalas ay si Arnold Ajesta na isang pulis-Maynila. Nagngingitngit sa ngayon itong si Ajesta at mga kapatid niya laban kay Tikboy Garcia at hindi natin alam kung ano ang binabalak nila. He-he-he! Pakipot nang pakipot na rin ang landas ni Tikboy Garcia, di ba mga suki?
Ang ipinagtataka lang natin dito kay Col. Robles eh mukhang makapal ang sikmura niya sa mga puna ukol sa dorobo niyang mga bata tulad nina Tikboy, SPO2 William Tiamzon, Nanding Timbang at Abe David. Siguro malaki ang lingguhang intelihensyang inaakyat sa kanya ng grupo ni Tikboy Garcia kayat hindi niya kayang sibakin ang mga ito kahit nag-iiyakan ang mga ilegalista sa kalye. Nakakita na kaya ng mukha ng terorista o rebeldeng NPA o MILF itong si Robles? Bakit panay mga mukha ng gambling lords ang inuuna niya? Kawawang PNP! Hamakin nyo, apat na taon na ginastusan ng gobyerno si Robles eh sa video-karera lang pala siya lilinya? Pera muna bago trabaho. Yan siguro ang motibo ng klase ni Robles sa PMA, anang mga kausap nating pulis-Maynila. He-he-he! Matuto ka namang mahiya, Col. Robles, Sir!
Kung sabagay, may katwiran din namang lumipat si Ajesta sa kuwadra ni Randy Sy, na inaanak naman ni Manila Mayor Lito Atienza. Kay Randy Sy tiyak titiba nang husto si Ajesta dahil nakamenos siya sa intelihensiya. Si Sy kasi ay walang intelihensya sa City Hall detachment kayat kaya niyang palakihin sa 30 porsiyento ang laban niya. Hindi lang yan, walang kaba kapag kay Sy ka nakasandal dahil personal itong lulutang tuwing nahulihan siya ng makina, tulad ng ginawa niya sa IG nang salakayin nina Tikboy Garcia ang mga lungga niya. At sa panahon sa ngayon ng elections, eh hindi na maikumpas ni Atienza ang kanyang kamay para ipatigil itong mga makina nina Buboy Go at Randy Sy, di ba mga suki? Kayat itong Maynila ay patuloy na magiging pugad ng pasugalan kapag nanalong muli si Mayor Atienza, he-he-he! Alam na ng Manilenyo na smokescreen lang lahat yang mga beautification projects mo, Mayor.
Kaya pala nagkakandarapa ay mga buwaya ni Col. Robles na manghuli ng makina eh dahil malaki pala ang kinikita nila kapag ibinenta ito kay Go. Ayon sa pulis-Maynila na nakasama ni Tikboy sa DILG noong panahon ni Sen. Robert Barbers, maliwanag na P9,000 ang VK at P5,000 naman ang fruit game kapag binili ni Buboy Go sa mga buwaya ni Col. Robles. Sino ba naman ang hindi magaganyak sa ganyang kalaking halaga, di ba mga suki? Ang problema lang, alam kaya nina Col. Robles at ng amo niyang si Chief Supt. Ismael Rafanan, ang hepe ng IG, ang patagong kalakaran ng grupo ni Tikboy? Magkaalam-alaman din tayo sa susunod na mga araw, di ba mga suki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended