^

PSN Opinyon

Bantot ng Fabella, gusto pa ring pagtakpan hanggang sa huling pagkakataon

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
HUMIHINGI ng paumanhin ang buong ‘‘staff" ng BST Tri-Media Production, ang prodyuser ng ‘‘BITAG’’ sa telebisyon sa hindi pagkakalabas ng aming episode na dapat napanood nu’ng Sabado ng gabi.

Dahil ito sa ilang teknikal na problema na hindi naiwasan. Kaya ang napanood sa ‘‘BITAG’’ nu’ng Sabado sa IBC-13, isang ‘‘replay’’ lamang.

Kung sakali man nagpipiyesta sa galak ang mga tinamaan o tatamaang tanggapan. Pribado man o panggobyerno dahil sa hindi pagkakalabas ng kanilang mga bantot, nagkakamali sila.

Tulad ng mga matitigas na bunbunan na opisyal ng Fabella Memorial Hospital, School of Midwifery. Marahil iniisip nila, tagumpay ito sa kanilang panig dahil hindi napanood ang kanilang ‘‘pagkatupi’’ sa ‘‘BITAG.’’

Hindi ako nahihiyang sabihin. Sinikap namin maipalabas ang follow-up sa dinemote na graduating student ng school of midwifery, si Shirly Mateo.

Subalit dahil sa patuloy na pagmamatigas nitong mga taga-Fabella, partikular itong principal ng school of midwifery, si Mrs. Ruth Castro, hindi naihabol ang materyales kung saan, kuha sa pagmamartsa ni Shirly sa kanyang graduation.

Maging ang dalawa kong staff na sumasaksi sa pagkakasama sa graduation ni Shirly Mateo, biniktima din ng panggigipit ng mga taga-Fabella.

Ito’y makaraang pigilin ang aking cameraman sa pagdu-dokumento sa nasabing graduation. Hindi pa nakuntento, sinama pa ang aking segment producer sa kanilang ka-GUNGGUNGAN.

Sa utos daw ng mga opisyales ng Fabella, pinigil ng ilang oras ang aking mga staff, sa loob ng Security Office ng University of Santo Tomas (UST) kung saan du’n idinaos ang nasabing graduation rites.

Ang pagkakamali nitong mga taga-Fabella, bagamat pinatigil nila ang pagpitik ng aking cameraman, patuloy namang napipitikan ang mga pangit nilang asal mula sa aming ‘‘concealed camera’’ na nakakabit sa aming staff.

Ang masahol pa nito tinangka pa raw ipakumpiska ng mga ito ang aming camera at ang tapes nito.

Sa ngayon, pinag-aaralan namin ang pagsampa ng kaso laban sa pamunuan ng Fabella Memorial Hospital, partikular ang school of midwifery ni Mrs. Ruth Castro.

Gusto kong itanim sa inyong mga maluluwag na kukute, kahit sino ang gawin ninyong ‘‘padrino’’ at masasandalan. Hindi titigil ang ‘‘BITAG’’ hanggang humihirit pa rin kayo.

Kaya, Mrs. Principal, humirit ka pa!

FABELLA MEMORIAL HOSPITAL

KAYA

MRS. PRINCIPAL

MRS. RUTH CASTRO

SABADO

SCHOOL OF MIDWIFERY

SECURITY OFFICE

SHIRLY MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with