Nag-umpisa palang mangamuhan si Tikboy Garcia kay Buboy Go noong si Sen. Robert Barbers pa ang nakaupo bilang secretary ng DILG. Gamit ang pangalan ni Barbers, sinuyod ng tropa ni Tikboy sa DILG ang mga video karera hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa probinsiya. Siyempre, hindi niya sinasagasaan ang padrino niyang si Buboy Go no! Pero imbes na dalhin sa DILG ang mga nakulimbat nilang makina, eh doon dinidiretso ni Tikboy Garcia sa bodega ni Buboy Go kapalit ng konting salapi. Kaya pati pangalan ni Barbers ay nagisa na rin ni Tikboy Garcia sa video karera, ayon sa Manilas Finest na naka-assign rin sa DILG noon, he-he-he! Kapal ng mukha at tibay ng hasang lang ang kapital ni Tikboy para yumaman, no mga suki?
At nang maging senador nga si Barbers, aba lalong ipinangalandakan pa ni Tikboy Garcia ang pangalan niya lalo na sa mga gambling lords. Nakasandal daw siya sa pader kayat dapat huwag mangahas ang mga may pasugalan na tablahin siya. May katwiran siya, di ba mga suki? Ang ginagawa ni Tikboy ay isinisingit niya ang kanyang sarili sa mga operating units ng PNP natin para maipagpatuloy niya ang modus-operandi niya noong kapanahunan ni Barbers. At nitong nakaraang mga araw nga, nakuhang kumbinsihin ni Tikboy Garcia si Col. Robles ng Intelligence Group (IG) na kunin ang serbisyo niya. Pero tulad ng inaasahan, hindi naman lahat ng makina na nakumpiska nila ay nadala sa IG headquarters nga sa Camp Crame dahil karamihan sa mga ito ay naibenta kay Buboy Go. At nang banatan natin itong IG, aba lalong sumiklab ang dugo ni Tikboy, he-he-he! Tiyak marami at malalaking bukol ang inabot ni Chief Supt. Ismael Rafanan, ang hepe ng IG, dito kina Tikboy, SPO2 William Tiamzon, Nanding Timbang at Abe David. Yan ay pag wala siyang suot na helmet, no mga suki? Sino pa kaya ang magtitiwala kay Tikboy Garcia eh maliwanag na ang relasyon niya kay Buboy Go ang inuuna niya?