^

PSN Opinyon

Sen.Barbers,ipinagmamalaki ka ni Tikboy Garcia,nakasandal daw siya sa pader

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KAYA pala nagngingitngit sa galit sa akin mga suki itong si Tikboy Garcia eh may malalim pala siyang dahilan. Sinabi ng mga nakausap kong Manila’s Finest na tumataas ang dugo nitong si Tikboy kapag nabanggit ang pangalan ko dahil naging tinik pala tayo sa mga gawain niyang iligal. Ito palang si Tikboy Garcia, ayon sa mga Manila’s Finest, ay adviser ng binabanatan nating video karera operator ng Maynila na si Buboy Go. Nasa payroll ni Buboy Go si Tikboy Garcia kaya’t naghihinagpis siya sa akin dahil kahit sinong padrino pa ang lumutang ay hindi tayo nasawata sa kampanya natin sa video karera nga. Si Tikboy Garcia pala ang taga-kausap ni Buboy Go sa mga pulis na ayaw yumukod sa kagustuhan nila lalo na sa anggulo ng lingguhang intelihensiya. Dahil sa laki ng kinita niya kay Buboy Go, nakapagpatayo ng milyon na bahay itong si Tikboy Garcia sa Bgy. Panamitan sa Kawit, Cavite, chain of apartments sa Tondo at sa Bulacan. He-he-he! May katapusan din ang buwenas mo Mr. Tikboy Garcia Sir!

Nag-umpisa palang mangamuhan si Tikboy Garcia kay Buboy Go noong si Sen. Robert Barbers pa ang nakaupo bilang secretary ng DILG. Gamit ang pangalan ni Barbers, sinuyod ng tropa ni Tikboy sa DILG ang mga video karera hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa probinsiya. Siyempre, hindi niya sinasagasaan ang padrino niyang si Buboy Go ‘no! Pero imbes na dalhin sa DILG ang mga nakulimbat nilang makina, eh doon dinidiretso ni Tikboy Garcia sa bodega ni Buboy Go kapalit ng konting salapi. Kaya pati pangalan ni Barbers ay nagisa na rin ni Tikboy Garcia sa video karera, ayon sa Manila’s Finest na naka-assign rin sa DILG noon, he-he-he! Kapal ng mukha at tibay ng hasang lang ang kapital ni Tikboy para yumaman, no mga suki?

At nang maging senador nga si Barbers, aba lalong ipinangalandakan pa ni Tikboy Garcia ang pangalan niya lalo na sa mga gambling lords. Nakasandal daw siya sa pader kaya’t dapat huwag mangahas ang mga may pasugalan na tablahin siya. May katwiran siya, di ba mga suki? Ang ginagawa ni Tikboy ay isinisingit niya ang kanyang sarili sa mga operating units ng PNP natin para maipagpatuloy niya ang modus-operandi niya noong kapanahunan ni Barbers. At nitong nakaraang mga araw nga, nakuhang kumbinsihin ni Tikboy Garcia si Col. Robles ng Intelligence Group (IG) na kunin ang serbisyo niya. Pero tulad ng inaasahan, hindi naman lahat ng makina na nakumpiska nila ay nadala sa IG headquarters nga sa Camp Crame dahil karamihan sa mga ito ay naibenta kay Buboy Go. At nang banatan natin itong IG, aba lalong sumiklab ang dugo ni Tikboy, he-he-he! Tiyak marami at malalaking bukol ang inabot ni Chief Supt. Ismael Rafanan, ang hepe ng IG, dito kina Tikboy, SPO2 William Tiamzon, Nanding Timbang at Abe David. ’Yan ay pag wala siyang suot na helmet, ’no mga suki? Sino pa kaya ang magtitiwala kay Tikboy Garcia eh maliwanag na ang relasyon niya kay Buboy Go ang inuuna niya?

vuukle comment

ABE DAVID

BUBOY

BUBOY GO

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

GARCIA

NIYA

TIKBOY

TIKBOY GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with