^

PSN Opinyon

Jueteng sa Camarines Norte

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
GINAGAMIT ng mga gagong grupo ng dayaan bolahan ang pangalan ng Chief Kuwago sa kanilang illegal gambling diyan sa Camarines Norte.

Two million pesos pala ang kubransa rito kada araw kaya naman lahat na yata ng pangalan ng Diyos ay binabanggit. Ika nga, kasama sa kanilang tarahan ledger o blue book.

Ibinulong sa mga kuwago ng ORA MISMO, na matagal na ang operasyon ng dayaan bolahan sa nasabing lugar. Pero kahapon ng hapon lang nakarating sa Chief Kuwago ang mga bulung-bulungan.

Alam kaya ito ni PNP Region 5 Regional Director Jimmy Lasar, ang dayaan bolahan sa kanyang hurisdiksiyon?

Si Gov. Villafuerte, alam din kaya niya ang matinding operasyon ng dayaan bolahan sa kanyang nasasakupan?

Kung hindi… Eh, gumising kayo mga Sirs!

Maraming mahirap sa lugar ninyo na nagdarasal na manalo sa jueteng ang problema mukhang walang nananalo. Kaya lalong nababaon sa utang? He-he-he!

Isang Art Kabigtak, ang ibinulong sa mga kuwago ng ORA MISMO, na taga-suhol ng pitsa at taga-walk para maayos ang mga talipandas na rakpadudels.

Si Alex Tamad, ang bangka ng dayaan bolahan.

Ang dalawang taong ito ay well-known diyan sa province.

PNP bossing Jun Ebdane, Sir, napalusutan ka ba dito? Nagtatanong lang ang mga kuwago ng ORA MISMO.

Nabuwisit ang mga kuwago ng ORA MISMO, porke isinasama ang name ng Chief Kuwago sa kanilang katarantaduhan.

Mga kamote talaga ang mga lintik na ito!

Tutal mga negro este mali intrigero pala ang mga gago kaya iintrigahin natin sila kada labas ng ating kolum.

Martes, Huwebes at Sabado lang naman kayo sa akin kaya sisikat kayo ng todo.

Pakibusisi nga, PNP Sr. Supt. Robert Rongavilla, bossing sa Camarines Norte kung bakit may jueteng sa lugar mo.

Ayaw ng gobyerno ang jueteng for your information, Sir!

Alam ba ito sa Crame?

Maraming kumpare si Art Kabigtak, mga matataas na tao sa pamahalaan, pulis, echetera pero sigurado tayong hindi niya kumare ang pandak at kumpare ang panday.

‘‘Buti payag ang NPA sa mga illegal ni Art Kabigtak at Alex Tamad? tanong ng kuwagong military.

‘‘Kasama raw sila sa intelihensiya kaya hindi pumapalag?’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Kaya naman pala.’’

‘‘Sino ang magpapatigil sa operasyon ng dalawang gago?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Si Ebdane sigurado ang papalag.’’

‘‘Baka may ehem… na ibinibigay sa Crame kaya naman tuluy-tuloy ang dayaan bolahan sa Camarines Norte.’’

‘‘Diyan wala tayong magagawa kapag kasama sila sa happenings?’’

‘‘Pero tiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi papayag si Ebdane dito.’’

‘‘Siguruhin ninyo baka alam mo na.’’

‘‘Sige tingnan natin, kamote!’’

vuukle comment

ALAM

ALEX TAMAD

ART KABIGTAK

CAMARINES NORTE

CHIEF KUWAGO

CRAME

ISANG ART KABIGTAK

KAYA

KUWAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with