Malakas pagkakitaan ang mangga. Ayon sa pamilya Canto ng Botolan, Zambales kung saan naroon ang sumabog ang Bulkang Pinatubo, malaking tulong ang mangga sa kabuhayan nila. Sa pamamagitan ng limang punong mangga na talaga namang hitik na mamunga ay nakapagtapos ng medisina ang dalawang anak na lalaki, at nursing naman ang anak na babae at naging masagana ang pamumuhay nila dahil sa manggang Zambales. Nang ang Mahal Public Services Foundation ay nag-outreach program sa Iba, Zambales ay sawang-sawa na kami sa pagkain ng mangga na inihain ni Dr. Achacoso. Personal na sasabihin ko na talagang super sarap ang manggang Zambales.
Sa pitak na ito ay matagal nang naisulat ang tungkol sa isa pang mangga na dapat na dakilain ng mga Pilipino. Itoy ang mangga sa pulo ng Guimaras na mala-kas na dollar earner dahil itoy ini-export na sa United States at iba pang bansa.