^

PSN Opinyon

Manggang Zambales

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NGAYONG tag-araw ay kapansin-pansin ang malagintong kulay ng mga manggang Zambales sa mga palengke. Marami ang sasang-ayon na ang mga manggang Zambales ang pinakamatamis at pinakamasarap kainin. Napag-alaman na ang sangguniang panlalawigan ng Zambales ay nagpanukala na ilahok sa Guinness Book of World Records ang Manggang Zambales bilang World’s Sweetest Manggo. Ayon sa mga Zambales provincial official dapat na parangalan ang manggang Zambales bilang pinakamatamis, pinakamakatas at pinakamasarap na mangga sa mundo.

Malakas pagkakitaan ang mangga. Ayon sa pamilya Canto ng Botolan, Zambales kung saan naroon ang sumabog ang Bulkang Pinatubo, malaking tulong ang mangga sa kabuhayan nila. Sa pamamagitan ng limang punong mangga na talaga namang hitik na mamunga ay nakapagtapos ng medisina ang dalawang anak na lalaki, at nursing naman ang anak na babae at naging masagana ang pamumuhay nila dahil sa manggang Zambales. Nang ang Mahal Public Services Foundation ay nag-outreach program sa Iba, Zambales ay sawang-sawa na kami sa pagkain ng mangga na inihain ni Dr. Achacoso. Personal na sasabihin ko na talagang super sarap ang manggang Zambales.

Sa pitak na ito ay matagal nang naisulat ang tungkol sa isa pang mangga na dapat na dakilain ng mga Pilipino. Ito’y ang mangga sa pulo ng Guimaras na mala-kas na dollar earner dahil ito’y ini-export na sa United States at iba pang bansa.

AYON

BULKANG PINATUBO

DR. ACHACOSO

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

MAHAL PUBLIC SERVICES FOUNDATION

MANGGA

MANGGANG ZAMBALES

SWEETEST MANGGO

UNITED STATES

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with