^

PSN Opinyon

Pabahay sa mga sundalo

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
MULA noong manungkulan bilang presidente si Gloria Macapagal-Arroyo, binigyan niya ng malaking priyoridad ang paglutas sa milyun-milyong pangangailangan sa pabahay. Hanggang ngayon patuloy ang pagbibigay niya ng pag-asa sa pangarap ng bawat Pilipinong magkaroon ng sariling tahanan.

Noong nakaraang buwan, pinangunahan ni President Arroyo ang pinakamalaking proyekto sa pabahay ng Armed Forces of the Philippines na tinatawag na Bonifacio Heights.

Ang proyektong ito ay itatayo sa pitong ektaryang lupa sa Fort Bonifacio, Taguig. Mahigit na 2,000 sundalo ang magiging benepisyo ng proyektong ito. Napakaganda ng lokasyon nito dahil nasa likod ito ng Forbes Park at Dasmariñas Village.

Ang Bonifacio Heights ay sama-samang proyekto ng Housing and Urban Development Coordinating Council, Armed Forces of the Philipines at ng DMCI Homes, isang pribadong developer.

Ang nasabing developer ang magtatayo ng Medium Rise Building sa kanyang sariling pondo at babayaran lamang ito ng benepisaryo pagtinake-out niya ito. Sa tulong ng Home Mutual Development Fund o Pag-IBIG. Ang mga aplikante ditong sundalo ay mabibigyan ng special window para sa kanilang loan take-out.

Ang pinakamababang halaga ng yunit ay nasa P630,000 hanggang P930,000. Ang amortisasyon ay maaaring mabayaran hanggang 30 taon.

ANG BONIFACIO HEIGHTS

ARMED FORCES OF THE PHILIPINES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BONIFACIO HEIGHTS

FORBES PARK

FORT BONIFACIO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HOME MUTUAL DEVELOPMENT FUND

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

MEDIUM RISE BUILDING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with