Kahit parami nang parami ang bilang ng kapulisan at sibilyan na nahulog sa lambat ni De Leon, mukhang madulas pa sa palos naman ang mga buwaya ng Intelligence Group (IG) sa pamumuno ni Tikboy Garcia. Kahit may warning na kasi sina Tikboy, SPO2 William Tiamzon at Nanding Timbang at Abe David, eh patuloy pa rin ang pananalasa nila sa kalye. Sa katunayan, itong si Tikboy ay nagyayabang pa na hindi siya kayang hulihin ni De Leon dahil sa padrino niyang si Sen. Robert Barbers. Isang kumpas lang daw ni Barbers tiyak titiklop itong mga kamay na bakal ni De Leon. Patuloy din ang pananakot nina Tikboy Garcia. Tiamzon, Timbang at David sa mga taong inalipusta nila. Kahit abot-langit pa ang pagsisigaw ng bagong promote na si Chief Supt. Ismael Rafanan ng IG eh mukhang walang saysay sa grupo ni Tikboy Garcia. Mabilis rin palang makalimot si Rafanan, no mga suki? He-he-he! Isang malaking hamon itong grupo ni Tikboy Garcia sa anti-kotong na kampanya ni De Leon. Hanggang kailan kaya ang suwerte nitong grupo ni Tikboy Garcia?
Ayon naman sa mga nakausap natin sa WPD Press Corps, sa kuwentuhan lang malinis si Tikboy Garcia. Hindi raw ito marunong mahiya at walang prinsipyo na ipinaglalaban. Basta ang importante lang eh kumita siya kayat hayun sumemplang siya sa kamay ng Presidente Anti-Orga-nized Crime Task Force (PAOCTF) sa kasong pangongotong nga, he-he-he! Me abilidad talaga itong si Tikboy Garcia, ayon sa taga-WPD Press Corps. Hindi natin tatantanan itong grupo ni Tikboy Garcia.
Hindi lang ang grupo ni Tikboy ang napupuna ng WPD Press Corps na iniiwasan ni De Leon sa anti-kotong campaign niya kundi maging ang mga tong-collectors ng limang police districts sa Metro Manila. Bakit may kinikilingan itong si De Leon?