Ang NBI-Carriedo Plaza ang bukod-tanging satellite office ng NBI na naniningil ng entrance fee. Hangad daw ng NBI ang mabigyan ang publiko ng "maayos", "mabilis" at "maginhawang" serbisyo sa halagang beinte pesos?
Panoorin bukas ng gabi, eksklusibo sa "BITAG" simula 7:00 hanggang 8:00 sa IBC 13, ang isinagawang imbestigasyon ng aming TV team, ang sagot ng NBI sa kanilang paniningil ng kanilang entrance fee.
Eksklusibo, inamin ng NBI sa "BITAG" ang kanilang pagkukulang!
Sangkaterbang reklamo ang aming natatanggap mula sa tawag sa telepono, text at e-mail. Kaya namin nadiskubre ang bagay na to.
Ayon sa mga nagrereklamong lumapit sa amin, kapag hindi ka nagbayad ng entrance fee at wala kang maipakitang "stub", hindi makakapasok sa NBI-Carriedo Plaza.
Mga guwardiya pa mismo ng Carriedo Plaza ang haharang sa inyo. At ang nangongolekta para sa NBI ay mismong mga cashier ng naturang gusali sa second floor.
Isinagawa ng aming grupo ang undercover at surveillance operation upang makita sa aming "concealed camera" ang mga reklamo ng mga kumukuha ng NBI clearance sa Carriedo Plaza.
Presto! Tumpak lahat ang sinabi ng mga nagrereklamo. Ako mismo kasama ang aking "BITAG" team, dala ang aming mga BITAG camera, sinubukan harangin ng mga guwardiyang nakasibilyan.
Nabulabog din ang cashier ng naturang gusali at natigil ang kanilang pangongolekta ng entrance fee habang pinipitikan sila ng aming camera.
Eksklusibo ninyong mapapanood ang paliwanag sa "BITAG" ng Deputy Directorate for Technical Services ng NBI, si Atty. Samuel Fiji, kung KANINO at SAAN napupunta ang "entrance fee" na kinokolekta ng Carriedo Plaza para daw sa NBI.
Tumupi ang Fabella sa hakbang na ginawa ng "BITAG" kaya napilitang ipa-graduate si Shirly sa tulong ng Commission on Higher Education (CHED).