^

PSN Opinyon

P20 'entrance fee' sa NBI-Carriedo Plaza

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
BEINTE pesos! Entrance fee para sa National Bureau of Investigation (NBI)—Carriedo Plaza doon sa mga kukuha at magre-renew ng kanilang NBI clearance.

Ang NBI-Carriedo Plaza ang bukod-tanging satellite office ng NBI na naniningil ng entrance fee. Hangad daw ng NBI ang mabigyan ang publiko ng "maayos", "mabilis" at "maginhawang" serbisyo sa halagang beinte pesos?

Panoorin bukas ng gabi, eksklusibo sa "BITAG" simula 7:00 hanggang 8:00 sa IBC 13, ang isinagawang imbestigasyon ng aming TV team, ang sagot ng NBI sa kanilang paniningil ng kanilang entrance fee.

Eksklusibo, inamin ng NBI sa "BITAG" ang kanilang pagkukulang!

Sangkaterbang reklamo ang aming natatanggap mula sa tawag sa telepono, text at e-mail. Kaya namin nadiskubre ang bagay na ‘to.

Ayon sa mga nagrereklamong lumapit sa amin, kapag hindi ka nagbayad ng entrance fee at wala kang maipakitang "stub", hindi makakapasok sa NBI-Carriedo Plaza.

Mga guwardiya pa mismo ng Carriedo Plaza ang haharang sa inyo. At ang nangongolekta para sa NBI ay mismong mga cashier ng naturang gusali sa second floor.

Isinagawa ng aming grupo ang undercover at surveillance operation upang makita sa aming "concealed camera" ang mga reklamo ng mga kumukuha ng NBI clearance sa Carriedo Plaza.

Presto! Tumpak lahat ang sinabi ng mga nagrereklamo. Ako mismo kasama ang aking "BITAG" team, dala ang aming mga BITAG camera, sinubukan harangin ng mga guwardiyang nakasibilyan.
* * *
Nakipagtulakan pa ang guwardiya sa akin. Tinabig niya ang aming mga mamahaling TV camera. Kulang na lang baliin ko ang kanyang braso matapos kong pilipitin dahil sa kanyang pagtulak at pagtabig sa aking cameraman.

Nabulabog din ang cashier ng naturang gusali at natigil ang kanilang pangongolekta ng entrance fee habang pinipitikan sila ng aming camera.

Eksklusibo ninyong mapapanood ang paliwanag sa "BITAG" ng Deputy Directorate for Technical Services ng NBI, si Atty. Samuel Fiji, kung KANINO at SAAN napupunta ang "entrance fee" na kinokolekta ng Carriedo Plaza para daw sa NBI.
* * *
UPDATE: Panoorin ang mga hakbang na ginawa ng "BITAG" kung papaano namin naisalba ang estudyanteng "dinemote" ng Fabella Memorial School of Midwifery ngayong Sabado.

Tumupi ang Fabella sa hakbang na ginawa ng "BITAG" kaya napilitang ipa-graduate si Shirly sa tulong ng Commission on Higher Education (CHED).
* * *
Muli naming ipakikita kung papano tinuldukan ng BITAG ang "panghuhulidap" ng dalawang pulis-WPD. Mahalaga ang "segment" na ‘to, sakaling kayo rin ang maging biktima ng mga nanghuhulidap na mga awtoridad.

AMING

BITAG

CARRIEDO PLAZA

DEPUTY DIRECTORATE

EKSKLUSIBO

FABELLA MEMORIAL SCHOOL OF MIDWIFERY

HIGHER EDUCATION

NBI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with