^

PSN Opinyon

Col. Rafanan iharap mo sa media sina Tikboy, SPO2 Tiamzon, Timbang at David!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HAPPY 18th Anniversary and more power to the Pilipino Star NGAYON!
* * *
Nasa tamang landas si Sr. Supt. Ismael Rafanan, ang hepe ng Intelligence Group (IG) ng Philippine National Police (PNP) nang iutos niya ang pag-aresto dito sa mga buwaya sa kalye sa pamumuno ni Tikboy Garcia na bumababoy sa opisina niya. Sana dumami pa ang bilang ng opisyal natin na tulad ni Rafanan sa PNP na hindi onion-skinned sa mga puna sa kanya at imbes umaaksiyon siya para mapaayos ang takbo ng opisina niya. Ang dapat sigurong gawin ni Rafanan ay iharap sa media sina Tikboy Garcia, SPO2 William Tiamzon, Nanding Timbang at Abe David matapos sila maaresto para mapatunayan niya na wala siyang kinalaman sa mga tong collection activities nila.

Sa ngayong may linya na tayo kay Rafanan, titiyakin nating mabura sa kalye ang grupo ni Tikboy Garcia sa ilegal na gawain nila, he-he-he! Lagot ka Tikboy Garcia. Tiyak sa kulungan ang bagsak mo at hindi ka sasaluhin ng padrino mong si Sen. Robert Barbers. Nagpadala ng emisaryo si Rafanan mga suki dahil sa pagbanat natin sa grupo ni Tikboy Garcia na nanghaharibas sa kalye at ang IG nga ang sinasangkalan nila. Armado ng coordinating paper ang grupo ni Tikboy na pirmado naman ng isang Col. Robles kaya’t walang halos mangahas sa hanay ng kapulisan natin na arestuhin sila, pero dahil sa kautusan ni Rafanan, siguro dapat na ring kumilos ang mga lokal na police units para masakote itong sina Tikboy, Tiamzon, Timbang at David at maibato sila sa loob ng selda.

Ilan na ba ang naaresto ng mga tauhan ni NCRPO chief Dir. Ricardo de Leon sa mga kotong cops natin, di ba 22 na? Kapag naidagdag itong mga pulis na sina Tiamzon at Timbang at sibilyan na sina David at Tikboy, aba marami tiyak na matutuwa kay De Leon, di ba mga suki? Ano pa ang hinihintay mo Gen. De Leon, hiritin mo na itong sina Tiamzon at Timbang at isama na rin itong sina David at Tikboy.

Ayon naman sa kausap kong pulis Maynila, talaga palang makapal ang mukha at hindi lang buwaya kundi hyena si Tikboy. Marami sa hanay ng pulis Maynila ang natuwa ng ibulgar natin ang kabulastugan ni Tikboy na biglang yumaman nang luminya sa pasugalan bitbit ang pangalan ni Sen. Barbers. Halos ang buong bloke pala ng barangay nila sa Tondo ay pag-aari na ni Tikboy, anang mga kausap ko. Kung sabagay, hindi marunong mahiya si Tikboy, dahil ayon sa mga kausap kong pulis eh naaresto na ito sa entrapment operation sa puwesto ni Apeng Sy sa Tambacan St., sa Ongpin noong kapanahunan ng PAOCTF ni presidentiable Ping Lacson. Ilang buwan naka-confine sa ospital itong si Tikboy dahil sa umano’y nagka-hypertension siya, anang mga pulis Maynila, he-he-he! Hindi ba nagamot ni Sen. Barbers ang kaso mo ha Sir Tikboy?

Kung ang PAOCTF nga ay hindi umobra kay Tikboy, ito kayang kautusan ni Rafanan ay may pangil? Mabilis din kayang masakote ni De Leon ang grupo ni Tikboy dahil sa NCRPO naka-assign sina Tiamzon at Timbang. May panahon pa para magbago itong si Tikboy at mga kapwa buwaya niya bago maging huli ang lahat.

vuukle comment

ABE DAVID

APENG SY

DE LEON

INTELLIGENCE GROUP

MAYNILA

RAFANAN

TIAMZON

TIKBOY

TIKBOY GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with