^

PSN Opinyon

Sige upakan nyo pa ako !

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
HAPPY 18th Anniversary sa Pilipino Star NGAYON.
* * *
Marami ang mga nagpapasalamat na mga natulungan ng kolum na ‘to. Nagpapasalamat din ako sa mga nagtitiwala at patuloy na sumusubaybay.

Ang isang realidad, hindi maaalis na marami rin ang mga nagagalit sa estilo ko. Ang dahilan hindi daw nila gusto ang uri ng aking "diskarte."

Hindi ko kasi estilo gawing puti ang itim. Hindi ako marunong pumuri. Subalit marunong akong humanga sa mga taong karapat-dapat hangaan. Hindi lang dapat hangaan, kundi dapat pamarisan sa kanilang katapatan.

Wala akong pakialam du’n sa mga taong naiinis at nagagalit sa estilo ko. Gusto ko lang idagdag, lalo lang nabubuhayan ang aking dugo dahil alam kong ako’y kanilang binabasa, pinakikinggan at pinanonood kung kaya’t sila’y naiinis.

Salamat du’n sa taong nagpadala sa akin sa pamamagitan ng "e-mail" na katatanggap ko lang. Ilalathala ko ang kanyang pinadala, walang labis walang kulang, "hoy…gagong bahala si tulfo mana ka talaga sa tatay mong gago at baliw. Si FPJ may pera ‘di tulad mong gago wala kang pera…"

Dagdag pa nitong nagmamahal sa akin, "bakit may ambisyon ka bang tumakbo…? Di kita iboboto gago!" - Joaquin Garcia ([email protected])
* * *
Para sa inyong mga reaksiyon, sumbong at reklamo type BITAG<space>COMPLAINTS<space>(message) at i-send sa 2333 (Globe/TouchMobile) o 334 (Smart/TalknText). O di naman kaya sa aming hotline # (0918) 9346417 o tumawag sa mga numero 932-5310 at 932-8919.

Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 a.m. At panoorin ang programang "BITAG" tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. sa IBC-13.

vuukle comment

DAGDAG

ILALATHALA

JOAQUIN GARCIA

KHZ

MAKINIG

MARAMI

MONDAY-FRIDAY

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with