Naging katawa-tawang pagmasdan ang dalawang pinakamataas na pinuno ng ating bansa na para bagang katulad ng mag-asawang naninirahan sa iisang bubong na hindi naman nag-uusap at nagsasama ng maayos. Ang masakit pa nga ay malimit pa ngang tinitira ni Guingona ang pamamalakad ni GMA. Kung kaya marami ang humuhula noon na tatakbo at lalabanan ni Guingona si Mrs. Arroyo sa pagka-presidente subalit, hindi ito nangyari.
Marami ang nabigla kung ano ang dahilan at lumipat kay Fernando Poe, Jr. sumama si Guingona at hindi sa ibang presidentiable na katulad ni Raul Roco na halos katulad niya ang uri ng prinsipyo at pamumulitika.
Bakit si FPJ ang pinili ni Guingona? Alam ni Guingona na si FPJ ay napapaligiran ng mga pulitikong mahigpit na nakalaban niya noong panahon ni Erap. Bakit kaya? Sagot naman nila. Siguro binigyan siya ng pansin ng kampo ni FPJ. Kasi, ginawa siyang Adviser on Governance and Public Policy at inaasahan niyang magkakaroon siya ng aktibong papel at pakikialam sa gobyerno kapag nanalo si FPJ. Aber, tingnan nga natin kung ano ang mangyayari?