Kaya ba ni FPJ na maging Pangulo?
March 15, 2004 | 12:00am
SABI ni Vice President Tito Guingona: "Poe can rebuild the nation." Tuluyan nang inabandona ni Guingona ang nangungunang partido at hantarang sumuporta kay FPJ.
Tinitingala si Guingona bilang isang statesman na naglingkod nang mahabang panahon sa gobyerno. Pero tama ba siya sa paniniwalang kayang itayo ni FPJ ang nalugmok na bansa?
SI FPJ ay halos katulad ni Presidente Estrada. Pareho silang school dropout. Lamang lang si Estrada dahil siyay naging alkalde at senador. Gayunmay hindi niya kinaya ang maging Presidente. Hayun. Nakasuhan nang plunder, napatalsik sa poder at hangga ngayoy nagdurusa sa piitan kahit wala pang promulgasyon ang korte kung siyay nagkasala nga o hindi.
Noong bago maluklok sa puwesto, sinabi ni Estrada na hindi sagwil ang kanyang pagiging dropout. Kukuha daw siya ng mga magagaling na advisers at miyembro ng kanyang official family. Iyan din ang linya ngayon ni FPJ.
Umiiwas siya sa mga debate. Hindi niya ma-elaborate ang kanyang programa sa pamamahala. Ang kanyang platapormay hinubog ng mga matatalinong technocrat at beteranong politikong nakapalibot sa kanya. Ngunit kaduda-duda talaga kung nauunawaan niya ang letra ng platapormang iyan.
Walang personalan ito. Hinahangaan natin si FPJ bilang beteranong artista. Hindi matatawaran ang popularidad niya. Hindi rin biro ang milyong mamamayan na handang lumaban para sa kanya. Ngunit ano ang kinabukasan ng bansang pinamumunuan ng isang leader na minamanipula ng mga matatalino?
Bawat leader ay toto-ong kailangan ang advisers. Pero kailangan ding may sariling dunong para malaman kung anong payo ang pupulutin at kung ano ang ibabasura. Kahit mababa ang pinag-aralan, kailangan sa isang leader ang may likas na talino at pang-unawa sa mga suliranin ng bansa. Kung hindi, magkakawindang-windang ang kanyang pamumuno.
Ayaw natin sa gobyernong diktador gaya nang kay yumaong ex-president Marcos. Pero may isa pang mas masahol diyan. Ito ang gobyernong dinidiktahan. Kahit sinasabi ni Erap na hindi kayang diktahan nino man ang kanyang kumpareng karnal na si FPJ, nakapagdududang mapapalakad niya ang bansa nang hindi bubulungan ng marunong. Hindi natin sinasabing bobo si FPJ.
Magaling siya sa sarili niyang larangan. Pero ang pamamahala ng pamahalaan ay hindi pelikula.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest