^

PSN Opinyon

Ang baog na puno

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Ngayon ay Ikatlong Linggo ng Kuwaresma. Sa Ebanghelyo tungkol sa baog na puno ng igos, tayo ay pinaaalalahanan tungkol sa ating pangangailangan na magbagong-loob. Ang 40 araw ng Kuwaresma ay ibinibigay sa atin upang magbago mula sa ating pamumuhay na makasalanan tungo sa Diyos at sa pagtanggap sa Kanya sa ating buhay. At ang talinghaga ng puno ng igos ay makakatulong sa atin sa ganitong pagbabago (Lk. 13:1-9).

Dumating noon ang ilang tao at ibinalita kay Jesus na ipinapatay ni Pilato ang ilang Galileo samantalang ang mga ito’y naghahandog sa Diyos. Sinabi niya sa kanila, "Akala ba ninyo, higit na makasalanan ang mga Galileong ito kaysa ibang mga taga-Galilea dahil sa gayon ang sinapit nila? Hindi!

Ngunit sinasabi ko sa inyo: Kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat. At ang labing-walong namatay nang mabagsakan ng tore sa Siloe – sa akala ba ninyo’y higit silang makasalanan kaysa ibang naninirahan sa Jerusalem? Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: Kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat. Sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito: "May isang tao na may puno ng igos sa kanyang ubasan. Minsan, tiningnan niya kung may bunga ito, ngunit wala siyang nakita. Kaya sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, "Tatlong taon na akong pumaparito at naghahanap ng bunga sa punong ito, ngunit wala akong makita. Putulin mo na! Nakasisikip lang iyan!"

Ngunit sumagot ang tagapag-alaga, ‘‘Huwag po muna nating putulin sa taong ito.

Huhukayin ko ang palibot at lalagyan ng pataba. Kung mamunga po ito sa darating na panahon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin na natin!"


Sa unang bahagi ng Ebanghelyo ay tungkol sa mga Galileo na pinapatay ni Pilato o napahamak sa isang aksidente –tinawag ni Jesus ang mga tao sa Israel upang magsisi. Si Jesus ay naparito upang pamunuan sila pabalik sa Diyos. Subalit tumanggi ang Israel o ang mga Judio. Sa halip, ipinapako nila si Jesus.

Sa pagninilay sa ating mga sarili, sa panahong ito ng Kuwaresma, tayo ay nakapagsusuri sa ating mga sarili? Naiwasan ba natin ang magkasala?

Nagpunyagi ba tayo upang maging mas malapit tayo sa Diyos?

Inaanyayahan tayo ni Jesus. Tayo ba ay nakapag-ayuno at nangolasyon?

Nakaiwas ba tayo sa mga sitwasyon na maaari tayong magkasala?

Napagnilayan na ba natin ang Pasyon ni Jesus?

DIYOS

IKATLONG LINGGO

JESUS

KAPAG

KUWARESMA

NGUNIT

PILATO

SA EBANGHELYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with