Hindi ito katakataka. Sa bawat forum na dinaluhan ni Bro. Eddie, naipakita niya ang kanyang kuwalipikasyon. Matalino niyang nasagot ang mga katanungang ibinato sa kanya lalu na sa harap ng mga negosyante. Nakita ng mga negosyante na may nalalaman si Bro. Eddie sa ekonomiya at kung paano ito mapapalakas.
Kakaiba ang estilo ng pangangampanya ni Bro. Eddie. Walang magarbong motorcade, walang stage shows kundi puro open forum sa harap ng ibat ibang sektor o kayay mga prayer rallies. Kung may entertainment aspect man ang kanyang mga rally paminsan-minsan, itoy dahil sa boluntaryong pagsama sa kanya ng mga Christian performers tulad nina Gary Valenciano, Donita Rose at iba pa. That is what sets Bro. Eddie a breed apart from other traditional politicians.
Matapos ang kanyang matagumpay na grand rally sa Luneta na dinaluhan ng tinatayang 3 milyong katao, isa na namang malaking rally ang inaasahang magaganap sa Cebu sa Marso 14. Ito raw ang inaasahang magiging pinakamalaking campaign rally sa kabisayaan.
Maaaring hindi kasing-popular ni Fernando Poe, Jr. si Bro. Eddie sa tinatawag na secular world, ngunit naniniwala akong sa tindi nang hirap na dinanas ng bawat Pilipino, itoy mas matalino na ngayon. Hindi patatangay sa popularidad sa pagpili ng isang karapat-dapat na lider na mamumuno sa ating bansa.
At iyan ay napatunayan sa isinagawang radio survey ng DZRH na dooy nanguna si Bro. Eddie sa lahat ng kanyang mga katunggali, kasama na si Presidente Arroyo.