Natapos ang proyektong condominium subalit hindi nabayaran ng ARI ang halagang P962,434.78. At dahil hindi nagbayad ang ARI, napilitang magsampa ng kaso ang DCI sa korte upang mabawi ang balanse ng presyo ng kontrata kasama ang 2 percent interes kada buwan, exemplary damages, attorneys fees at cost of suit.
Kinuwestiyon ng Ari ang 2 percent na interes. Iginiit ng ARI na hindi dapat silang magbayad ng 2 percent interes dahil ang halagang P962,434.78 ay hindi parte ng monthly progressive billing kundi balanse ng presyo ng kontrata. Tama ba ang ARI?
MALI. Ang ibig sabihin ng monthly progressive billing ay ang parte ng presyo ng kontrata na dapat bayaran ng may-ari sa kontraktor base sa natapos nang bahagi ng proyekto. Parte ito ng presyo ng kontrata matapos mabayaran ang downpayment. Kaya, nararapat na malapatan ng 2 percent na interes ang halagang P962,434.78 kada buwan.
Ang probisyon na tumutukoy sa pagbabayad ng interes ay malinaw na napagkasunduan ng ARI at DCI. Ang kasunduang ito ang naging batas sa pagitan ng mga partido at dapat na isakatuparan. Samantala, wala mang probisyon tungkol dito, nararapat lamang na magbayad ang ARI ng interes dahil nagpabaya ito sa pagpapatupad ng obligasyon sa kontrata. Ang DCI na tumupad sa obligasyong tapusin ang proyekto ay napinsala sa hindi pagbabayad ng ARI.
Kaya, dapat na bayaran ng ARI ang balanseng P962,434.78 kasama ang napagkasunduang 2 percent interes kada buwan ng hindi pagbabayad o ang bahagi nito. (Arwood Industries Inc. vs. D.M. Consunji, Inc. G.R. No. 142277 December 11, 2002)