Politika na naman ito. Isang desperate move para tiyaking matatalo ang Pangulo. Kasi, walang ibang masamang epekto ang demandang ito maliban sa mga ulat na lalabas sa pahayagan, radyo at telebisyon laban sa Pangulo. Alam naman ng lahat na hindi magpo-prosper ang kasong kriminal na ito. Ang Presidente ay may immunity from suit. Hindi puwedeng kasuhan habang nasa puwesto?
Kamakalawa ay nagsampa ang Plunderwatch ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman laban sa Pangulo. Wala akong tutol sa pagsasampa ng kaso kahit kaninong pilato kung lehitimo ang intensyon. Pero halatang pulitika lang ang motibo ng ganyang aksyon.
Tahimik naman ang mga presidential candidates na sina Fernando Poe Jr. at Panfilo Lacson. Kapwa nila kaibigan si Erap at wala silang masabing masama laban sa Pangulo kaugnay ng isyung ito. Hindi rin aasahang magkomento riyan si Bro. Eddie Villanueva dahil magmumukha siyang namumulitika. Ang tahasang bumabatikos sa Pangulo ay si presidentiable Raul Roco na walang friendly ties kay Erap. Kasama rin sa mga kinasuhan ng Plunderwatch sina PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane, Chief Supt. Roland Sacramento at Housing Sec. Michael Defensor na nagsisilbing spokesman ng Pangulo sa kanyang kandidatura.
Sabi ni Asst. Ombudsman Ernesto Nocos, ang Pangulo ay isang impeachable official. May immunity from suit kaya hindi puwedeng ihabla. Pero kung may basehan, sinabi ni Nocos na puwedeng ma-impeach ang Pangulo. Pero ano pa ang kahihinatnan ng impeachment proceedings gayung dalawang buwan na lang ay eleksyon na? Lalu lamang mabubulabog ang magulo nang takbo ng ating lipunan dahil sa mga bangayang politikal.