^

PSN Opinyon

Hindi upang paglingkuran

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG paglilingkod sa iba ang paraan ni Jesus. At walang kapagurang itinuro niya ang leksiyong ito sa kanyang mga alagad. Subalit tila mahirap nilang maunawaan ito lalo na sina Santiago at Juan. Basahin ang Mateo 20:17-28.

Nang nasa daan na si Jesus patungong Jerusalem, ibinukod niya ang Labindalawang alagad. Sinabi niya sa kanila, "Aakyat tayo sa Jerusalem. Doo’y ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba ang Anak ng Tao. Hahatulan siya ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil. Siya’y tutuyain, hahagupitin at ipapako sa krus; ngunit muli siyang bubuhayin sa ikatlong araw."

Lumapit kay Jesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kaya lumuhod siya sa harapan ni Jesus. "Ano ang ibig mo?" tanong ni Jesus. Sumagot siya, "Sana’y ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo sa inyong kaharian –isa sa kanan at isa sa kaliwa." "Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi," sabi ni Jesus sa kanila. "Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?"

"Opo." Tugon nila. Sinabi ni Jesus, "Ang hirap na babatahin ko’y babatahin nga ninyo. Ngunit wala sa akin ang pagpapasya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo’y para sa mga pinaghandaan ng aking Ama."

"Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya pinalapit sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami."


Kung kaya sa halip na limiin ang babala ni Jesus tungkol sa darating niyang Pasyon, sina Santiago at Juan – sa pamamagitan ng kanilang ina – ay humiling kay Jesus na papaupuin o iluklok sila sa kanyang kanan at kaliwa, kapag siya ay dumating na sa kanyang kaharian.

Sa gayon malinaw na sinabi sa kanila ni Jesus kung ano ang ibig sabihin ng paglilingkod.

AAKYAT

ANAK

HENTIL

JESUS

NANG

NGUNIT

NINYO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with