Mga dapat gawin sa oras ng panganib
March 10, 2004 | 12:00am
Ngayong Marso bilang Fire Prevention Month, ibat ibang seminar at pagsasanay sa pag-iwas at pakikibaka sa sunog ang ginanap. Ang mga firedrills lalo na ang pag-rescue ng mga bumbero sa umanoy mga biktima ay nakakatawag-pansin. Parang mga stuntmen nagpapa-dausdos pababa sa mga matarik na building ang mga firefighters na animoy may shooting sa pelikula. Binigyang-diin ng mga awtoridad, ang pagsunod ng may-ari ng bahay, sinehan, shopping malls at iba pang establisimiyento na magkaroon ng fire exists kaya lalong hinigpitan ang fire safety inspection bago mag-issue ng building permits.
Hindi na mabilang ang mga barkong lumubog at nito ngang Pebrero 27 ay nasunog ang SuperFerry 14 na nagdulot ng ibayong pinsala. Nagpalabas ng mga guidelines ang coast guard kabilang na ang pagkakaroon ng mga jackets at iba pang emergency floating device.
Sa kaso naman ng lindol dapat na maging maagap sa pagbaba at paglabas ng bahay at gusali at importante na huwag mag-panic. Kapag may mga pagguho siguraduhing makapagtago sa isang matibay na lugar gayundin sa ilalim ng mesa at kama. Ugaliing magdala ng flashlight at whistle para makapag-bigay ng signal sa mga rescuers. Sa pelikulang Titanic ay malaking tulong ang whistle ni Jack na binigay niya sa kasintahang si Rose para matagpuan siya nang mga naghahanap ng survivors ng lumubog na barko.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended