Ang pagbibigay ng dibedendo sa mga miyembro ay nakabatay sa Section 3, Rule VIII ng Implementing Rules and Regulations ng RA 7742 o tinatawag na "Amending the Home Development Mutual Fund Act. Nakasaad sa batas na ito ang pag-aatas sa Pag-ibig Board of Trustees na magtabi ng halaga na hindi bababa sa pitumpung porsiyento ng annual net income ng ahensya, babayaran ito sa pamamagitan ng dibedendo sa mga miyembro.
Sa taong 2003, mas mataas sa sampung porsyento sa pitumpong porsiyento o walumpung porsyento sa net income pagkatapos ng pagbabayad buwis na nagkakahalaga sa P5.26 bilyon ang itinalaga para sa dibidendo ng mga miyembro.
Ang nasabing inisyatibo ay pagpapatunay lamang ng pagpapahalaga ng Pag-IBIG sa kanyang mga miyembro at ang katatagan nito.
Sa mga miyembro ng Pag-ibig, maari po kayong magtanong sa inyong Total Accumulated Value sa Pag-ibig Office na pinakamalapit sa inyo.