Mga 'buwaya' ni VCol. Rafanan binababoy ang PNP
March 10, 2004 | 12:00am
MAPUPURNADA tiyak ang promotion ni Sr. Supt. Ismael Rafanan, ang hepe ng Intelligence Group (IG) ng Philippine National Police (PNP), kapag hindi niya ni-recall ang deployment niya ng mga buwaya niya sa kalye. Itong IG kasi mga suki ay pang-heneral na ang plantilla at mapapansin ang kapalpakan ng unit na ito ng PNP kapag patuloy na binababoy ng mga buwaya ni Rafanan ang imahe ng pulisya nga. Dito lang kasi sa Pilipinas, na ang intelligence group ay hindi national security concerns ang inaatupag kundi ang mga pasugalan. Ano pa ba ang bago dito sa PNP natin? Kung sinu-sino ang sinisisi sa pagbaba ng tiwala ng sambayanan sa kanila eh sila rin naman ang gumagawa ng dahilan, di ba mga suki? Ngayon, malaking pagkakamali ng gobyerno nitong si President Arroyo kapag nai-promote pa niya si Rafanan, na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 75, sa pagka-heneral. Pag nagkataon kasi, si Rafanan lang ang kauna-unahang opisyal ng PNP na na-promote dahil sa performance niya sa pasugalan. He-he-he! Puwede bang ipagyabang yan?
Kung sabagay, marami ang nagtataka kung bakit napaupo sa IG si Rafanan eh kalat sa Camp Crame na kinasuhan ito ng mismong asawa niya. Ang huling balita ay naayos na ni Rafanan ang gusot ng kanyang pamilya, pero dapat hindi ibinigay sa kanya ang IG dahil may mantsa na ang katawan niya, di ba mga suki? Hindi kaya nagpakawala ng buwaya sa kalye si Rafanan para makakuha ng pondo para tustusan niya ang away niya at ng kanyang asawa? Kasi nga may tatlong butas na ang IG sa lingguhang intelihensiya sa mga pasugalan, pero ang gusto nitong bagman ni Rafanan na si Col. Robles ay gawin na apat na butas. Bakit kaya hindi subukan ni Rafanan na gamitin laban sa NPA, MILF at iba pang national security concerns sina Lt. Cuaresma, SPO2 William Tiamzon, at Nanding Timbang at mga sibilyan na Tikboy Garcia at Abe David para masubukan naman ang tapang nila? Kasi nga kapag nag-opeate sa kalye itong sina Cuaresma, Tianzom, Timbang,Garcia at David eh parang nasa war zone sila.
Ito palang si Col. Robles ay lumaki sa kuwadra ni Gen. Romeo Maganto sa Field Force pa. Doon sila nagkakilala nina Tiamzon at Timbang kaya hindi nakapagtataka kung dorobo ang tawag sa kanila sa kalye. Si Cuaresma? Eh tulad din siya nina Rafanan at Robles na nagtapos sa tustos ng gobyerno pero nagtataka tayo kung bakit pumayag silang babuyin ng mga buwaya nila ang propesyon nila. Si Tikboy naman ay nagyayabang na bata ni Sen. Robert Barbers samantalang itong si David, eh maraming hinaharap na kaso at sugapa pa sa droga, anang mga kausap natin sa Camp Crame. Ano ba yan? Habang abala naman si GMA na iangat ang tsansa niya sa May elections, eh hinahatak naman ito pababa ng IG ni Rafanan. Ika nga excess baggage na itong IG sa political ambitions ni GMA. Linisin mo itong IG, Mam para tuluy-tuloy na ang panalo mo!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended