Saklolo ng anghel
March 9, 2004 | 12:00am
TOTOONG nangyari ito kina Oni at Baby, kasama ko sa prayer group.
Kasama ang binatat dalagang anak, binabagtas nila ang North Expressway nang sumabog ang gulong ng Mitsubishi Galant sa Bulacan. Ikinasa nila ang spare tire at tumuloy na sa Clark Field. Pauwi sila nung dapit-hapon sa highway nang ituro ni Oni sa kaanak kung saan sila na-flat nung umaga. Biglang sumabog uli ang gulong. Wala na silang spare. Padilim na at umuulan. Pumapara sina Oni at binata ng mga kotse, pero walang huminto. Sino nga naman ang magtitiwala sa dalawang lalaking estranghero sa madilim na lugar?
Sa loob ng kotse, nagrosaryo sina Baby at dalaga. Bulong ni Baby, "God, sana pagtapos namin mag-rosary, padalhan mo kami ng anghel."
May pumarang kotse. Bumaba ang lalaking matangkad at singkit, nakaputing shirt at pants. Maliit ang gulong ng Lancer niya; inalok si Oni na ipa-vulcanize ang flat tire sa bayan. Sa kotse ng lalaki ay may babaing tahimik na nagpapatulog ng sanggol. Habang naghahanap sila ng talyer, sabi ng lalaki kay Oni, "Hindi sana kami luluwas ngayon, pero buti na lang, kasi kundi ay baka walang tumulong sa yo."
Ibinaba ng lalaki si Oni sa talyer, at umalis. Di na nakapag-thank you si Oni na abala ang isip sa asawat anak na naiwan sa ilang na lugar. Ayos na ang tire nang nabatid ni Oni na hindi pala niya napansin kung saan sila nag-exit. Iniisip niya kung paano babalik sa kotse nang biglang bumalik ang lalaking matangkad, singkit at nakaputi. Anang lalaki, "Sabi ko na nga bat wala kang masasakyan pabalik sa kanila."
Napabuntong-hininga si Oni nang ihatid sa nag-aalalang pamilya. At lalo siya namangha nang ang lalaking nakaputi mismo ang nagkasa ng gulong sa ilalim ng bumubuhos na ulan. Walang kahirap-hirap. Nang maayos na lahat, nagmamadaling nagpaalam ang lalaki. Hinabol siya ni Oni para tanungin ang pangalan at magpasalamat. "Ako si Angel E. Manuel," tugon ng estranghero, sabay alis.
"Angel?" bulong nina Oni at Baby, "E. Manuel? Em? Emmanuel?" Napatingin sila sa langit sa sabay na napasigaw, "Praise the Lord!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest