AYON KAY "JENNY" (HINDI TUNAY NA PANGALAN) NANGYARI ITO NUNG JAN. 16, 2004.
Sa isang Sinumpaang Salaysay, na ibinigay sa Criminal Investigation and Detection Group, sa Women and Childrens Concern Office (WACCO) sa pamumuno ni Chief Inspector Sotera Macatangay, sumama si Jenny sa isang kaibigan na si Cindy, sa bayan ng Sta. Cruz sa Marinduque upang magbakasyon. Nakilala niya si Mayor Morales ng ipakilala siya ng bodyguard nito, na boyfriend ng kasama sa trabaho ni Cindy.
"Kumakain kami nun sa bayan sa Laicas Restaurant ng kulitin kami ni Tawing (bodyguard) ni Mayor Morales, upang ipakilala kay Mayor sa Office of the Mayor ng Sta. Cruz," ayon kay Cindy.
Matapos nang nakilala si Mayor, binalik-balikan daw itong si Jenny ni Tawing dahil ipinaiimbita daw ni Mayor Morales para kumain lang daw.
Nung January 16, si Cindy at ang kanyang mga kasamahan sa trabaho ay kinailangan pumunta sa bayan, isinama nito ang dalagita.
Nakita daw sila ni Tawing at pilit daw isinasama ni Tawing si Jenny dahil ipinasusundo ni Mayor Morales. Mahigpit na binilin daw ni Mayor Morales na si Jenny lamang ang iniimbita subalit hindi daw pumayag si Cindy.
"Bumalik si Tawing at sinabing okay na raw sumama ako. Pinagbilinan ko si Jenny na huwag sasama na hindi ako kasama subalit kinulit ni Tawing yung bata at kahit hindi pa ako bumabalik dinala na ni Tawing yung bata kay Mayor Morales," pahayag ni Cindy.
Ayon kay Jenny, siya daw ay dinala sa isang planta at loob ng isang kwarto ipinasok siya ni Mayor Morales. Pilit daw niyang binubuksan ang pinto subalit mahirap diumano ikutin ang door knob ng pintuan.
Dito na siya pinilit ni Mayor Percival Morales na gahasain, nakasaad sa sinumpaang salaysay ni Jenny.
Matapos naisagawa daw ni Mayor Morales ang kanyang pagnanasa, binigyan daw siya ng dalawang libong piso. Apat na tig-lilimang daang piso at pinauwi siya sakay ng isang tricycle.
Nakita siya ni Cindy at ng malaman niya ang sinapit ng bata, pinasya niya na dalhin sa Sta. Cruz District Hospital upang ipasuri sa isang Medico-Legal officer, nung din araw na yun.
Sa isang nilagdaang Medical Report ni Dr. Josephine Borja, nakalagay duon na si Jenny ay merong "LACERATED HYMEN, penetration sa 10, 12, 2 at 6 Oclock positions ng kanyang vagina. Isa ring findings ang nakita na nagpapatunay na may gumalaw ng sa bata. Positive siya "for the presence of sperm cells.
"Nagkausap kami ni Mayor Morales at nag-offer siya na siya raw ang bahala sa bata. Pag-aaralin daw niya, gagastusan at hindi pababayaan," ayon kay Cindy. Subalit, hindi sila pumayag dahil tulala daw si Jenny at hindi makausap dahil iyak ng iyak.
Kinabukasan daw bumalik naman ang anak ni Mayor na si Dennis at ito naman daw ang nag-offer ng areglo. "350,000 pesos ang offer sa bata para maayos na lang ang lahat ng ito," dagdag ni Cindy. Tinanggihan daw ni Jenny. Sa puntong ito, nagpasya na sila na pumunta sa Manila at magreklamo sa opisina ng Wacco sa CIDG.
Nagreklamo din yung ina ng bata na si Josephine. Sa opisina daw ng Wacco, merong nag-offer sa ina nang bata ng pera upang huwag ng ituloy ang kaso. "Hindi ko alam dahil hindi na naming makita yung nanay. Balita naming na nabayaran na daw ng P750,000 upang papirmahin ng Affidavit of Desistance sila ni Jenny, pahayag ni Cindy.
Hindi daw pumirma yung bata dahil nasa pangangala na ito ng DSWD. Diumano, pineke daw yung pirma nung bata.
Sa isang panayam kay Chief State Prosecutor Jovencito Zuño, ang kasong katulad nito, Violation of Sec. 9653 in connection with RA 7610, o Child Abuse Law, ang DOJ ay mahigpit sa mga Affidavit of Desistance.
Tuloy daw ang kaso lao nat hindi pirma ng bata ang nasa affidavit.
Ipinakita sa amin ang isang Sinumpaang Salaysay na ayon kay Cindy ay ginawa ng kampo ni Mayor Morales kung saan nililinis ni Jenny ang pangalan ni Mayor Percival Morales sa reklamong "rape". Kasama naman nito ang isang UNDERTAKING na may lagda ni Mayor Morales na nakalagay na hindi siya gagawa ng anumang hakbang laban kay Jenny, Cindy at sa pinagtratrabahuhan niya sa Sta. Cruz, Marinduque.
Ito ay ginawa ng isang abogado lamang. Sino ang nag bayad sa abogado para gawin ito? "Hindi kami dahil wala naman kaming pera pambayad ng abogado," mariing bigkas ni Cindy. Hindi daw ito pinirmahan ni Jenny.
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAG-TEXT SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.