Hindi dapat sumali sa pulitika ang mga pari
March 7, 2004 | 12:00am
SA dalawang nobela ni Dr. Jose Rizal ang Noli at Feli ay inilarawan ang pakikialam ng simbahan sa pamamalakad ng gobyerno. May tusong prayle sina Padre Salve at Padre Damaso, ang tunay na ama ni Maria Clara at ang katauhan nila ay makikita pa rin sa ilang alagad ng simbahan na gamit ang kanilang mga sutana sa paggawa ng kasalanan (sa panahong ito ilan sa mga pari ang sangkot sa sex scandal at iba pang katiwalian).
Kamakailan ang banal na misa na idinaos sa isang simbahan sa Luzon na ang patron ay dinarayo nang libu-libong deboto. Sa simbahang ito ay pinuri ng pari ang isang presidentiable at tinaguriang pang messiah o tagapagligtas. Ayon sa mga political observers ang paring ito ay isang political butterfly dahil noong una ay panay naman ang puri niya sa isang opisyal na napatalsik sa tungkulin. Napag-alaman na itinanggi ng alagad ng simbahang ito ang pamumulitika habang nagmimisa, subalit marami ang nagpatotoo at nagpatunay sa sinabi niya. Kabilang ang batikang broadcaster na si Anthony Taberna at iba pang mamamahayag na nagpatunay na narinig nila ang mga tinuran ng pari. Ngayon sino ang nagsisinungaling? Di ba kasalanan ang nagsisinungaling at ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw? Dapat aksyunan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang kasong ito para na rin sa kapakanan ng simbahang katoliko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am